Pagpapaunlad ng sektor ng pangkabuhayan at kooperatiba sa Batangas, patuloy na tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan

Araw ng Pangunahing Mamamayan sa Lalawigan ng Batangas, masayang ipinagdiwang
October 31, 2019
Safety Officers ng Batangas Capitol, sumailalim sa basic life support and first aid training
November 4, 2019

November 4, 2019

Ang pagpapalakas ng ekonomiya at sektor ng pangkabuhayan ay isa sa pangunahing tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, bilang bahagi ng H.E.L.P. (Health, Education, Livelihood and Protection of Life, Property and Environment) Program.

Kaugnay nito, nagbigay ng ulat si Gng. Celia Atienza, Department Head ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), patungkol sa estado ng mga kooperatiba, at mga proyektong kanilang naisakatuparan.

Ibinahagi ni Gng. Atienza na binibigyang-pansin din ng kanilang tanggapan ang mga non-cooperative groups, indibidwal, at mga enterprises na nakatuon sa pagpapaunlad ng komunidad sa pamamagitan ng paglinang sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na may malaking papel na ginagampanan sa pagsulong ng ekonomiya.

Parte rin ng kanilang adbokasiya ang magkaroon ng tinatawag na Institutional Development o Cooperatives’ Capability and Capacity Building kung saan patuloy na nagsasagawa ang PCLEDO ng mga serye ng paggabay at pag-alalay sa mga kooperatiba sa pamamagitan ng trainings, mentoring, pagtulong sa compliance, at ang tulong pinansyal o cooperative loan assistance.
Bukod dito, tinutulungan din ng nasabing tanggapan ang mga distressed cooperatives o ang mga kooperatibang nakararanas ng mga problema sa pamamahala at pagkalugi sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan. Sa kasalukuyan, mas pinalawig ng PCLEDO ang pagtugon sa pagbibigay ng tulong, partiklular sa hog industry, dahilan sa kinakaharap na banta ng African Swine Fever.

Ayon kay Gng. Atienza, ang kanilang opisina ay nakikipag-ugnayan sa ilang mga ahensya at lokal na tanggapan, gaya ng Provincial Social Welfare and Development Office, Office of the Provincial Veterinarian, at Department of Agriculture, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist. Dito ay nagbibigay sila ng mga individual livelihood assistance, Capital Build-up Sustainable Livelihood Program, Livelihood Assistance to volunteer workers, tulong para sa mga animal farmers, at ang pagko-convert ng mga grupo at asosasyon sa pagiging ganap na kooperatiba nang sa gayon ay makakatanggap ang mga ito ng kompletong ayuda.

Sa linya naman ng pagnenegosyo, inilahad ni Gng. Atienza ang kanilang mga programng isinagawa, tulad ng funding and Technical Support to MSMEs, Mentor Me project, P3 o ang Puhunan Para sa Pag-Asenso, PRDP – Enterprise Sub-Project , Credit Surety Fund, at Product Development and Marketing.

Samantala, buong pagmamalaking ibinahagi din ni Gng. Atienza, bilang siya ring kasalukuyang pangulo ng League of Cooperative Development Officers of the Philippines, ang pagiging local autonomy champ ng Lalawigan ng Batangas pagdating sa pagtataguyod ng sektor ng pangkabuhayan at kooperatiba. Patunay aniya ito na ang lalawigan ay nagsisilbing huwaran ng ibang local government units sa bansa.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo : PCLEDO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.