June 28, 2024
Kaakibat ng hamon sa pagpapabuti ng edukasyon sa lalawigan ay ang pagpunan sa kakulangan ng mga pasilidad para sa pag-aaral ng mga kabataan.
Dahil dito, naging isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Hermilando Mandanas, ang pagpapatayo ng HIM Type School Buildings, na ngayo’y tinatawag na Regina R. Mandanas Memorial Building.
Noong ika-27 ng Hunyo 2024, personal na dumalo si Governor Mandanas sa isinagawang Blessing at Turnover Ceremony ng two-storey, six-classroom Regina R. Mandanas Memorial Building sa CENTEX Batangas grounds, Barangay Aplaya, Bauan, Batangas.
Kasamang nakiisa sa ribbon-cutting ceremony sina 2nd District Board Member Arlina Magboo, Bauan Mayor Ryanh Dolor, Provincial School Board Secretariat Head Gina Ferriols, mga opisyal ng Department of Education (DepEd) – Batangas at ilang barangay officials ng Barangay Aplaya.
Matapos nito, nagtungo ang gobernador sa West Bauan Central School upang bisitahin ang ilan sa mga ipinapatayong imprastruktura, kabilang ang four-storey, 24-classroom building na mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang pagpapagawa ng naturang school building ay pansamanatalang naantala, ngunit naipagpatuloy sa inisyatibo ni Governor Mandanas, na siyang sumangguni sa DPWH at kay noo’y DepEd Secretary, Vice President Sara Duterte.
Dahil hindi maaaring pondohan ng lalawigan ang konstruksyon nito, nagpagawa ng bukod na two-storey, eight-classroom Azucena I. Mandanas Memorial Building, sa pamamagitan naman ng Provincial Engineering Office.
— Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos by Macven Ocampo