Pagpapalakas ng mga programa para sa kabataan, focus ng PSWDO at DepED Lipa

2024 Rabies Program Updates pinagtalakayan ng Batangas Provincial Anti-Rabies Committee
July 19, 2024
Gov. DoDo dumalo sa CALABARZON Vice Mayors’ League session sa Lungsod ng Lipa
July 19, 2024

July 19, 2024

Noong ika-18 ng Hulyo 2024, nakapanayam ng B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pang-radyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sina Ginang Florita Lachica, ang namumuno sa Provincial Social Welfare and Development (PSWDO), at Dr. Felizardo Bolaños, Schools Division Superintendent ng Lipa City, patungkol sa mga programang hatid ng pamahalaang panlalawigan at ng Department of Education (DepEd) para sa mga kabataan.

Hinikayat ni Ginang Lachica, ang mga pamahalaang lokal, lalo na ang mga namumuno sa mga barangay, na nasasakupan ng Lalawigan ng Batangas na ilunsad at palakasin ang programang Municipal / City / Barangay Council for the Protection of Children.

Kasabay nito ang hamon niya mapaigting ang mga pagsasanay ng mga Violence Against Women and their Children (VAWC) Desk officers para magkaroon ng tamang paraan ng paghawak ng mga kasong may kaugnayan dito.

Hiling din ng PSWDO department head na maging maayos at magkaroon ng aksyon sa kanyang panawagan ang pamunuan ng mga samahan ng mga barangay tanod, kasama na rin ang mga Sangguniang Kabataan.

Ang Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) ay isang konseho na binuo para sa pagpapatupad ng mga alituntunin at regulasyon ng Child Welfare Code na sumasagot sa apat na pangangailangan ng mga bata, kabilang ang Early Childhood Care and Development (ECCD), na ipinag-uutos di lamang sa mga pamahalaang panlalawigan, kundi pati na rin sa mga pamahalaang panlungsod, pambayan at pang-barangay.

Ang Councils for the Protection of Children, na sinusubaybayan din ng Department of Interior and Local Government, ay binuo rin upang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga bata at makapagturo ng survival at basic needs sa mga ito. Kaisa dito ang iba’t ibang sektor sa lipunan dahil nakatuon ito para matulungan ang mga kabataan na nasa panganib at nakakaranas ng pang-aabuso.

Sa panig naman ng DepEd, nais ni Dr. Bolaños na palakasin ang inclusive education para sa mga bata na may kapansanan, katuwang ang mga magulang, upang magabayan ang mga ito para mahubog at lumaking responsible at maging kapakipakinabang na mamamayan.

Dagdag pa ni Lipa City Division Superintendent, isinasagawa nila ang mga orientation patungkol sa teenage pregnancy, adolescence and reproductive health, at mental health para maging responsable at may kamalayan na mga mamamayan ang mga mag-aaral.

Almira Elaine F. Baler – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.