Pagpapahinga ng mga Look ng Lalawigan ng Batangas, Muling Ipatutupad

Request for Quotation – PURCHASE OF 33, 846 FAMILY FOOD PACKS INTENDED TO SUPPORT THE VICTIMS OF TAAL VOLCANO ERUPTION
December 2, 2021
Invitation to Submit Quotation
December 3, 2021

December 2, 2021

Muling ipinatutupad sa Lalawigan ng Batangas ang Closed Season o “Pagpapahinga ng mga Look ng Balayan, Talin, Nasugbu, Batangas at Tayabas” simula Disyembre 1, 2021 hanggang Enero 31, 2022 at mariing pagbabantay sa paggamit ng fine mesh net o pinong lambat mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2022 upang higit na mabigyan ng panahon na lumaki ang mga juvenile fish bunga ng implementasyon ng Closed Season, kaugnay ng temang “Panandaliang Sakripisyo, Pangmatagalang Benepisyo”.

Ang nasabing Closed Season ay isang programang ipinatutupad sa lalawigan taun-taon simula noong taong 2014. Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), ang mga bayan ng Balayan, Bauan, Calaca, Calatagan, Lemery, Lian, Lobo, Mabini, Nasugbu, San Juan, San Luis, San Pascual, Taal at Tingloy, at Lungsod ng Batangas.

Katulong din ang iba pang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, kabilang ang Provincial Agriculture’s Office (OPA), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Information Office (PIO); nasyunal na tanggapan tulad ng Department of the Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources – PENRO; at non-government organizations, tulad ng Malampaya Foundation, Inc., Conservation International-Philippines at First Gen Corporation, na gumagawa ng mga pag-aaral at konsultasyon, at nagbibigay ng mga pangangailangang logistics para sa matagumpay at maayos na implementasyon ng programa.

Malaki rin ang bahaging ginagampanan ng mga enforcement agencies, tulad ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Central, Regional and Provincial Offices, Philippine National Police (PNP) – Batangas Police Provincial Office at City/Municipal Police Stations, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, at mga Bantay Dagat sa pagpapatupad ng Closed Season sa pamamagitan ng pagpapatrolya, pagbabantay at paghuli sa mga lumalabag sa Batas ng Pampangisdaan.

Ang Lalawigan ng Batangas ang itinuturing na kauna-unahang local government unit na nagpapatupad ng ganitong programa sa buong Pilipinas, na sinundan na rin ng iba pang mga lalawigan, partikular sa Verde Island Passage.

Ang nasabing gawain ay nagbibigay-daan sa mga isda, kagaya ng Galunggong at Matambaka, na makapangitlog at makapagparami, at mabigyan ng pagkakataong lumaki ang mga juvenile fish o maliliit na mga isda bunga ng Closed Season, kung kayat higit na pagtutuunan ng panahon ang pagbabantay sa mga ito bago mahuli ng mga mangingisda. Hangad ng programang muling manumbalik ang sigla ng pangisdaan sa lalawigan, para sa kapakinabangan ng mga mangingisda at mamamayang nakatira sa tabing-dagat ng Batangas.

Kaugnay nito, ipinagbabawal ang paggamit sa pamalakaya ng Basnig, Pukutan o Pukot, at Pangulong o Paipot sa munisipal na katubigan ng Batangas sa loob ng dalawang buwan at fine mesh net o mga pinong lambat sa susunod na tatlong buwan. Bagamat nakasaad na sa Batas Pampangisdaan o Republic Act No. 10654 na bawal ang mga nasabing pamamalakaya sa tubig munisipal, sa panahon ng Seasonal Closure ay mariin pa lalo itong babantayan.

Dahil ang gawaing ito ay bilang pagsunod sa umiiral na batas, hinihiling ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov DoDo Mandanas ang pakikiisa ng lahat, lalo na ang mga mamamayan nating mangingisda para na rin sa kanilang pang-matagalang kapakinabangan.

Ang petsa ng Closed Season ay natukoy base sa resulta ng mga siyentipikong pag-aaral na isinagawa bago ang pagpapatupad nito.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.