Pagpapabakuna ng Lahat ng Batangueño, Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Kalusugan Kards Ipinamahagi sa Batangas Capitol
January 7, 2022
Supplemental Bid Bulletin No. 1
January 7, 2022

January 7, 2022

“Mas intensibong programa sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ang kailangan.” Ito naging pahayag ni Gov. Hermilando Mandanas sa kanyang naging panayam sa programang “Rundown” sa ABS-CBN News Channel kahapon, ika-6 ng Enero 2022.

Mahalaga ito aniya upang matugunan at maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Batangas.

Kasabay ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa mga karatig na lalawigan, bahagyang tumaas din ang bilang ng mga nagpositibo sa Batangas. Noong linggo bago ang Pasko, nakapagtala ng 57 na mga bagong kaso sa lalawigan, na umabot sa 431 na mga kaso bago ang bagong taon. Nitong Enero 5, pumalo na sa 629 ang bilang ng bagong Covid-19 cases sa Batangas.

Wala pa namang naiulat tungkol sa paghihigpit sa mga Batanguenong wala pang bakuna pero ang istriktong pagsunod sa mga alituntunin na ibinaba ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 at Department of Health laban sa pandemya ay patuloy pa ring ipinatutupad.

Matatandaan na muling nagbalik sa mas maigting na Alert Level 3 ang National Capital Region o Metro Manila nitong Enero 3 matapos ang muling pagdami ng mga nagpositibo, bunsod ng Omicron variant. Ito ang pilit iniiwasan ng gobernador na mangyari sa buong Batangas, lalo na at ang mga karatig lalawigan ng Cavite, Laguna at Rizal ay isinailalim na rin sa Alert Level 3.

Nagpasalamat naman si Gov. Mandanas sa pamahalaang nasyunal para sa sapat na rasyon ng COVID-19 vaccine sa lalawigan na siyang naging dahilan kung bakit kabilang ang CALABARZON sa mga nangunguna pagdating sa vaccination program sa bansa. Nagbibigay na rin ng booster shots sa iba’t-ibang vaccination centers sa lalawigan.

Panawagan din ng gobernador ang patuloy na pagtalima sa health and safety protocol na Hugas, Iwas, Mask, at magpabakuna.

Vinson De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.