Paglaban sa Sakit na Rabies Mahigpit na Tinututukan

Financial Assistance sa mga Nasalanta ng Lindol, Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
May 15, 2017
Programang Kilatis Kutis, Isinagawa
May 19, 2017

May 19,2017

Nagpulong noong ika-11 ng Marso 2017 ang mga kinatawan ng Provincial Anti-Rabies Council Technical Working Group para ilatag at isumite ang programa sa pagpapatupad ng rabies prevention and control program ng Lalawigan ng Batangas para sa unang kwarter ng taon.

Tinalakay sa pulong ang lumalaking bilang ng animal bite cases na napapa-ulat sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Sa datos na inilabas ng kumite, umabot sa bilang na 22, 733 ang insidente ng kagat ng hayop na binigyang lunas sa pamamagitan ng anti-rabies vaccination sa mga animal bite treatment centers (ABTC) sa buong lalawigan para sa taong 2016.

Sa pagpasok ng taong 2017, nakapagtala na ang Provincial Health Office ng 7,668 animal bite cases sa unang kwarter, o pamula noong Enero hanggang Marso.

Sa panayam kay Dra. Josephine Gutierrez, Medical Specialist IV ng Provincial Health Office, ang pagtaas ng bilang ng mga pasyente ay senyales na epektibong naipaabot ng Provincial Rabies Council at ng pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan ang panawagan at iba pang impormasyon na magtungo sa pinakamalapit na tamang pagamutan sa oras na may makagat ng hayop sa miyembro ng pamilya na kalimitan ay nakakagat ng aso at pusa.

Ayon pa kay Gutierrez, bukod sa pagkakalat ng impormasyon, nakatulong din ang pagdami ng mga animal bite treatment centers na maaring puntahan sa anim na distrito ng Batangas at pagbibigay ng libreng rabies vaccination para sa mga mamamayang Batangueño sa ilalim ng Government Health Institutions o mga designated animal bite treatment centers sa mga district hospitals sa lalawigan.

Sa pagtaas ng bilang ng mga napapa-ulat na kaso ng kagat ng hayop, inilatag ng Technical Working Group ang guidelines kung saan patatatagin ng Provincial Health Office ang ugnayan ng 16 na ABTC’s na sakop nito at ng mga Pribadong ABTC Clinics sa buong Lalawigan.

Kakapalooban ito ng pag-iisa ng mga standard procedures ng pagtuturok ng rabies vaccine ganun din ang pagtutulungan sa impormasyon na tutulong upang matukoy ang mga indibidwal na hindi tinatapos ang prescribed dosage ng vaccination ganun na rin sa pagpapaluwag o pagpapahiram ng supply ng rabies vaccines.

Sa pagpalo ng malaking bilang ng mga animal bites sa lalawigan, nagkaisa ang kumite na pag-ibayuhin at doblehin ng mga miyembro nito ang sipag upang mas marami pang maabot ng kaalaman at impormasyon upang maka-iwas sa nakamamatay na sakit na ito na nakukuha sa hayop. Ito ay bilang pagsunod at pagtalima sa ipinalabas na direktiba ng administrasyon ni Governor Hermilando Mandanas na gawing Rabies Free ang Batangas pagsapit ng taong 2020./Edwin V. Zabarte-PIOBatangas.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.