Pagdiriwang ng ika-438 anibersaryo ng Lalawigan ng Batangas, binuksan sa Lungsod ng Sto Tomas

7th Provincial Migrants Day Celebration, matagumpay na idinaos
December 11, 2019
Ordinansa ng January 31 Nasugbu Landing bilang Special Public Holiday sa lalawigan, naipasa na
December 11, 2019

December 11, 2019

Isang banal na misa ang idinaos sa National Shrine of St Padre Pio, Barangay San Pedro, Lungsod ng Sto. Tomas, upang buksan ang pagdiriwang ng ika-438 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Batangas noong ika-7 ng Disyembre 2019.

Kabilang sa mga nakiisa sa misa ng pasasalamat sina Gov. DoDo Mandanas, Atty. Regina Reyes Mandanas, Vice Gov Mark Leviste, Sto. Tomas City Mayor Edna Sanchez, Chief of Staff Abel Bejasa at mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Bago matapos ang misa, iginawad ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. Mandanas, ang isang Plake ng Pagkilala sa National Shrine of St. Padre Pio, na tinanggap ni Rev Fr. Oscar L. Andal, ang priest in-charge ng nasabing simbahan.

Ang parangal ay upang kilalanin ang malaking ambag ng National Shrine of St. Padre Pio sa Faith Tourism ng Batangas Province sa pagkakatanghal ditto bilang pangatlo sa buong Pilipinas sa pinakadinarayo ng mga turista.

Pagkatapos ng misa, isang salu-salo at diyalogo ang ginanap sa NDN Grand Hotel sa Sto. Tomas, na dinaluhan nina Gov. Mandanas at mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan, kasama ang mga kasapi ng Batangas Forum. Ang Batangas Forum ay isang organisasyon ng mga Batangueño mula sa iba’t ibang bayan at sari-saring propesyon at karera, na ang mga adbokasiya ay nakatuon sa kagalingan at patuloy na kaunlaran ng lalawigan.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Gov. Mandanas ang lahat ng sektor na magkaisa at magtulungan upang mas lalong makapagbigay ng isang makabuluhang paglilingkod sa mga kababayan, na may pananampalataya sa Diyos at malasakit sa kapwa.
Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.