Pagdiriwang ng 41st NDPR Week sa Bayan ng Bauan, Tagumpay

Child Friendly Guidelines, muling pinagtibay sa Lalawigan ng Batangas
August 22, 2019
Total ban ng entry ng live hogs at pork sa Batangas, ipinatupad
August 22, 2019

August 22, 2019

Naging matagumpay ang isinagawang selebrasyon ng 41st National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week sa bayan ng Bauan noong ika-20 ng Agosto 2019 na ginanap sa Bauan Municipal Hall Lobby.

Ang nasabing pagdiriwang ay taunang idinadaos sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office ng naturang bayan katuwang ang Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. (FPDPBI), sa pangunguna ng pangulo nitong si Mr. Nelson R. Adante.

Humigit kumulang na 200 miyembro ng samahan ng Persons with Disabilities (PWDs) ng Bauan ang dumalo sa NDPR Celebration na naging aktibo sa talakayang pinagunahan nina Ms. Kris Dianne B. Ebe at Mr. Sherwin H. Solis ng PhilHealth Batangas.

Ito ay naka sentro sa layunin at mandato ng PhilHealth na may kaugnayan sa Universal Health Care Act, mga datos na kinakailangan upang maging miyembro ang isang taong may kapansanan, kung paano magagamit ang PhilHealth ID, at mga kalakip na benepisyo nito.

Naging bahagi rin bilang isa sa mga naimbitahang resource speaker si Mr. Dexter Medallion, na kagaya ni Mr. Adante ay kawani rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na naglilingkod naman sa ilalim ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development.

Sa isang mensahe mula sa Committee Chairperson ng PWD na si Konsehal Mely Castillo ay isusulong niya ang panukalang pagkakaroon ng Php 500 honorarium ng mga coordinator ng bawat barangay na ayon na sa kahilingan ni FPDPBI President Nelson Adante.

Buo ang pagsuporta ni Vice Mayor Bojie Casapao at lahat ng mga dumalong konsehal ng bayan ng Bauan at ipinahayag na hindi sila magsasawang tumulong sa mga taong may kapansanan at kung ano man ang mga pangangailangan ng mga PWDs, ay gagawin nila ang kanilang makakaya upang sila ay mapagsilbihan.

Samantala, parte rin ng programa ang pagbibigay kasiyahan sa mga PWDs kung saan nagkaroon ng handog na awitin si Vice Mayor Casapao na sinundan nang pamamahagi ng mga wheel chairs at saklay.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mr. Adante at mga kapwa PWDs sa lahat ng mga nagbigay ng suporta lalo na kay Mayor Ryanh Dolor na bagaman at hindi nakadalo ng personal sa selebrasyon sa kadahilanang ito ay tumanggap ng parangal sa Bureau Of Fire Protection sa Laguna, ramdam naman daw nila umano ang adhikain ng punong-bayan kasama ang lahat ng mga bumubuo ng Pamahalaang Bayan ng Bauan sa pagtataas ng antas ng pamumuhay ng bawat isang may kapansanan.

Mark Jonathan M. Macaraig / Nelson Adante – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.