Pagbabawal sa Single-use Straw, Paggamit ng Biodegradable at Reusable Bags, Isinusulong sa Lalawigan ng Batangas

46 Batangueño PWDs Nabigyan ng Assistive Devices
February 27, 2021
DILG MEMORANDUM CIRCULAR 2021-024
March 2, 2021

February 27, 2021

Marami ng mga bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas ang nagbabawal sa paggamit ng plastic sa kanilang mga nasasakupan sapagkat kabilang ito sa mga bumabara sa mga kanal, nagiging dahilan ng pagbaha at nakakadagdag sa polusyon. Kabilang na rito ang Provincial Ordinance No. 007-2012 o ang Provincial Environmental Code.

Kaugnay nito, nagsumite ng dalawang mungkahing ordinansa si 5th District Senior Board Member Claudette Ambida sa ikapitong regular session ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-22 ng Pebrero 2021 na nakatuon sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan sa probinsya.

Sa unang inihaing ordinansa ni Bokal Ambida, na may pamagat na Bring Your Own Bag or BYOB, hinihimok ang mga Batangueño na gumamit ng mga alternative packaging materials kagaya ng mga karton at iba pang biodegradable materials sa pagpapake ng mga pinamiling grocery items o kagamitan. Nakatuon ang ordinansang ito sa mga retail business establishments at magtitinda na gumamit lamang ng mga paper bags o anumang iba pang kahaliling materyal sa pag-iimpake ng mga produktong, at mga konsyumer na inaanyayahan naman na magdala ng sariling lagayan ng mga pinamili.

“No Single Use Plastic Straws” naman ang pangalawang proposed ordinance, na nagbabawal sa mga food establishments sa paggamit nito. Hinihikayat din ang mga establisimyento na huwag magbigay ng straw sa kanilang mga kliyente tuwing February 3, bilang pakikiisa sa International Straw-Free Day. Layunin ng ordinansang ito ang maprotektahan ang kapaligiran at mapangalagaan ang marine life sa probinsya.

Jayne Roumelle Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.