Pag-aalis ng Batangas Province sa State of Calamity Status dahil sa Bagyong Kristine, ASF Aprubado sa 4th Qtr Joint Council Meeting

Supplemental Project Procurement Management Plan, Addendum, PPMP (TRUST) and PPMP (CAP DEV)
December 3, 2024
“𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗻𝗴𝗼𝗻,” 𝘀𝗲𝗻𝘁𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀 𝟰𝟰𝟯𝗿𝗱 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗮𝘆
December 8, 2024

December 4, 2024

Aprubado na sa Joint Council Meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Development Council at Provincial Peace and Order Council ang magkasabay na pag-aalis sa Lalawigan ng Batangas sa ilalim ng State of Calamity dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine at African Swine Fever (ASF).

Napagkaisahan ito sa pagpupulong na nagganap noong ika-3 ng Disyembre 2024 sa Bulwagang Batangan sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Ipinahayag ni Gov. Hermilando Mandanas, na pinanguluhan ang magkakasunod na mga pagpupulong, na tuloy- tuloy ang gagawing pagpapatupad ng mga tulong ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng mga naapektuhang sektor at komunidad ng mga nagdaang sakuna nitong mga nakaraang buwan.

Kabilang sa mga nakalinya ang karagdagang nakalaang pananalapi para sa social at economic services, tulad ng mga tulong sa mga mamayan, pangkabuhayan, kagalingang panlipunan at imprastraktura. Sa kabuuan, nagkakahalaga ito ng mahigit ₱65 Milyon na nakatakdang gugulin ngayong natitirang araw ng 2024 hanggang Marso 2025.

Ibinahagi sa mga member agencies ng Batangs Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na mahigit ₱10 Bilyon ang halaga ng naitalang pinsala ng STS Kristine dulot ng naging malawakang pagbaha at landslide.

Bagaman at patuloy pa rin ang isinasagawang rehabilitasyon sa maraming bahagi ng lalawigan, ibinahagi na rin ng konseho ang pag-aalis ng deklarasyon ng State of Calamity dahil sa nasabing bagyo.

Ibinahagi naman ng Office of the Provincial Veterinarian ang kanilang Terminal Report para sa mga naging operasyon at programa upang mapigilan ang malawakng epekto ng ASF sa buong lalawigan at ang pagtanggal din ng State of Calamity dahil dito.

Inilahad din dito ang pagkakaroon ng wasyong information and education campaign patungkol sa kahalagahan ng wastong pagbabawas sa bilang ng mga alagang hayop kaugnay sa mabilisang pagpigil ng pagkalat ng ASF sa mga pamayanan.

Sa datos na ipiniresenta, patuloy nang bumababa ang kaso ng ASF sa lalawigan mula Setyembre ngayon taon na bunga na ng tuloy-tuloy na vaccination operations sa mga hog farms sa Batangas.
Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO Photos by Froilan Salcedo Jr & Karl Ambida

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.