P5M Educational Assistance, ipinamahagi sa Batangueño students

CALABARZON General Services Officers Conference, idinaos sa Batangas
March 15, 2019
Batangas Provincial Development Council: African Swine Fever (ASF) ay “national threat”
March 19, 2019

March 18, 2019

Bilang bahagi ng patuloy na pagtulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga kabataang Batangueño, muling nagsagawa ng Educational Assistance Distribution, sa pangunguna ng Office of the Provincial Governor at Provincial School Board – Scholarship Division, noong ika-18 ng Marso 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Halos P5 Milyon ang kabuuang halaga ng ayudang pang-edukasyon na ipinamahagi sa mga college students, na nag-aaral sa mga unibersidad at kolehiyo sa Lalawigan ng Batangas. Napuno ng umabot sa 1,094 scholars ang Auditorium, kung saan 703 ang maintainers at 391 ang new qualifiers.

Ngayong 2019, batay sa huling datos, umabot na sa mahigit 23,750 scholars ang natutulungan ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang pag-aaral.

Sa kanyang naging mensahe, ipinaalala ni Gov. DoDo Mandanas ang kahalagahan ng pagiging matapat at pagkakaroon ng integridad ng bawat kabataang Batangueño sa kanilang mga eskwelahan, tahanan at pamayanan. Nabanggit din ng gobernador na mas maiging pairalin ang diwa ng pagkakaisa at kumilos upang maging inspirasyon sa kapwa. ✎ Trizia Joy P. Canosa – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.