P26M Financial Assistance mula sa DOH, ipinagkaloob sa Lalawigan ng Batangas

2019 Lakad para sa Pag-Asa ng Kabataan, nakalikom ng P1.2 Milyon
November 18, 2019
41st National Disability Prevention Week Assembly, isinagawa sa bayan ng Malvar
November 18, 2019

November 18, 2019

Halos ₱26 Milyon ang kabuuang natanggap na tulong pinansyal ng Lalawigan ng Batangas mula sa Department of Health (DoH) sa ginanap na turn-over ceremony noong ika-18 ng Nobyember 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Ang nasabing financial grant ay naipagkaloob sa pamamagitan ng DOH CALABARZON, sa pamumuno ni Regional Director, Dr. Eduardo Janairo, at personal na inihandog ni Dr. Elizabeth V. Sario, Provincial Health Team Officer ng Provincial DOH, sa pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na kinatawan nina Vice Governor Mark Leviste at Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta. Naging saksi sa pag-aabot ng naturang ayuda ang ilang opisyal ng kapitolyo at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay Dr. Sario, ang tulong na ito ay para sa labindalawang district at provincial hospitals upang mas makatugon sa mga pangangailangang medikal ng mga indigent patients.

Pinasalamatan naman ni Vice Governor Mark Leviste ang kagawaran sapagkat marami umano ang maipapaabot na tulong at magagawang programa para sa patuloy na pagpapataas ng antas ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.