P15 Milyon na Bio-molecular Laboratory, Itatayo sa Lalawigan ng Batangas para sa Pagpapalawig ng COVID-19 Testing

COVID-19 Facilities ng Lalawigan, Pormal nang Binuksan
May 21, 2020
DOH: Ibaan Isolation at Quarantine facility, Patunay ng Pagtutulungan Laban sa COVID-19
May 28, 2020

May 26, 2020

Isang bio-molecular laboratory na mayroong sariling awtomatikong Ribonucleic Acid (RNA) Extraction at Polymerase Chain Reaction (PCR) machine ang itatayo sa Batangas City, Batangas na inaasahang magpapalakas sa kasalukuyang hangarin na makontrol at tuluyang masugpo ang pangkalusugang krisis na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ang nasabing laboratoryo, na ipinagkaloob sa Philippine Red Cross, ay mula sa donasyon ng LT Group, Inc., ang kumpanya na itinatag ng kilalang business tycoon na si Lucio Tan.

Ayon kay Michael Tan, LT Group President and Chief Operating Officer, bukod sa pagdaragdag ng kapasidad sa COVID-19 testing ng bansa na may 4,000 na naiisagawang pagsusuri kada araw, ang itatayong laboratoryo ay naglalayong mas mas mapabilis ang identification at isolation ng mga magpopositibo sa sakit nang sa gayon ay mabigyan ng agarang atensyong medikal ang mga ito.

Ang ₱15 milyon na mayroong floor area na 120 square meters laboratory ay itatayo sa dating Blood Center ng Philippine Red Cross na siyang lupang donasyon ng Pamahalaang Panlalawigan.

Bukod sa COVID-19 testing, ang PCR machine ng laboratoryo ay may kakayahan rin na masuri ang iba’t-ibang sakit gaya ng tuberculosis, cancer, HIV, dengue, malaria, hepatitis, at Zika.

Ang donasyong ito ng LT Group, Inc. ay bahagi ng kanilang inisyatibo na matugunan at matulungan ang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kabilang dito ang pagbibigay ng karagdagang suplay ng mga personal protective equipments sa mga medical workers, pakikipag-ugnayan sa mga ospital, at pamamahagi ng ayudang pagkain at tubig sa mga magigiting na frontliners na nagbabantay sa mga checkpoints o boarders.

Samantala, inaasahan na matatapos ang bio-molecular laboratory sa loob ng isang buwan at kaagad magbubukas sa publiko sa lalong madaling panahon. Ito ay papangasiwaan ng mga trained medical technologist.

Ang bagong laboratoryo na ito sa Lalawigan ay inaasahan din na magiging karagdagan sa testing operations ng Red Cross sa headquarters nito sa Mandaluyong at sa nakatakdang pagbubukas ng isa pang testing center sa Port Area ng Maynila.

Batangas Capitol PIO, Photo: BusinessMirror

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.