Outstanding MWCC at DWCC, Pinarangalan sa Provincial Women’s Month Celebration

Mandanas Administration Namahagi ng mga Laptop at Vocational Technology Machines at Equipment
March 14, 2018
Women’s Month, Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
March 19, 2018

Tinanghal ang Cuenca MWCC ang titulong na Most Outstanding Municipal Women Coordinating Council sa awarding na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCBI), ang mga napiling Outstanding Municipal Women Coordinating Council (MWCC) at District Women Coordinating Council (DWCC) kaugnay ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Eric Arellano / Batangas Capitol PIO

Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCBI) ang mga napiling Outstanding Municipal Women Coordinating Council (MWCC) at District Women Coordinating Council (DWCC) sa isinagawang selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan na may temang “We Make Change Work for Women” sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Personal na ibinigay ni Gov. Dodo Mandanas ang mga premyo na nakamit ng Munisipalidad ng Lobo at Padre Garcia bilang 4th placer sa Outstanding MWCC na tumanggap ng plaque of recognition at 25 libong piso; Taysan bilang 3rd place na nakatanggap ng 50 libong piso; Agoncillo bilang 1st runner up na nakatanggap ng 100 libong piso at Cuenca bilang Most Outstanding MWCC na nakatanggap naman ng 200 libong piso.

Nakuha naman ng ika-apat na Distrito ang Most Outstanding District Coordinating Council na kinabibilangan ng Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Juan, at Taysan. Binigyang pagkilala din sa nasabing selebrasyon si Ms. Edilee Omoyan, may ari ng Milea Bee Farm bilang isa sa naging Inspiring Filipina Awardee in Business.

Dinaluhan ang nasabing selebrasyon ng mga miyembro ng PWCCBI, Samahang Batangueña, miyembro ng MWCC, DWCC, iba’t ibang private establishments, hospital, academe, mga National Goverment Agency at iba pa. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.