OPAg, Nagbigay Ayuda para sa mga Magsasaka at Mangingisdang Batangueño

Child Development Workers’ Week Celebration Idinaos
July 2, 2018
Lung Scouring and Fecal Collection para sa mga Baboy, Patuloy na Isinasagawa ng ProVet
July 4, 2018

July 3, 2018

Bilang pagpapahalaga ng Administrasyong Mandanas sa mga magsasakang Batangueño, isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), sa pangunguna ng kanilang Department Head, Engr. Pablito Balantac, ang isang Distribution of Agricultural Inputs na ginanap noong ika-2 ng Hulyo 2018 sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, Bolbok, Batangas City.

Ang nasabing pagbabahagi ng mga agricultural inputs ay isa sa mga prayoridad na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Layunin nito na turuan ang mga magsasaka at mangingisda na maging business oriented people at hindi dapat masanay na umasa sa palaging bigay, bagkus ay pagtrabahuhan ng maayos ang kinikita nila.

Mga piling magsasaka mula sa ilang bayan sa lalawigan ang makatatanggap ng tulong na ito. Ang proyekto ay nahahati sa apat na produkto na ipinamamahagi sa mga piling magsasaka at mangingisda. Ito ay ang Vegetable Production Project, Rice Production Project, Cassava and Corn Production Project at Tilapia Fingerlings Dispersal Project.

Ampalaya ang pangunahing produkto ng Vegetable Production Project. Ang bawat magsasaka mula sa mga bayan ng Balayan, Taal, Batangas City, San Pascual, Bauan, Sta. Teresita, Alitagtag, Rosario, Ibaan, at Lipa City ay makakatanggap ng mga farm inputs na kakailanganin sa pagtatanim ng ampalaya na nagkakahalaga ng PhP 60,000.

Sa Rice Production Project, 40 magsasaka mula sa mga bayan ng Balayan, Calatagan at Lian ang mapagkakalooban ng nagkakahalagang Php20,000 na mga farm inputs na gagamitin sa pagtatanim ng palay.

Dagdag pa rito, tinututukan din ng OPAg ang mais at kamoteng kahoy, sa ilalim ng Corn Seed Production Project at Climate Smart Intervention at Climate Resiliency & Adaptation Training para sa mga magsasaka ng kamoteng kahoy.

Sampung mangingisda naman mula sa bayan ng Laurel ang mabibigyang tulong sa ilalim ng Tilapia Fingerlings Dispersal Project kung saan ay makakatanggap bawat isa ng 200,000 tilapia fry at tig-sasampung sako ng fish feeds. Inaasahang palalakihin nila ang mga tilapia fingerlings sa loob ng 30-45 days.

Samantala, dahil nga hindi libre ang programang ito, sumailalim ang bawat magsasaka at mangingisda, at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isang Memorandum of Agreement. Napagkasunduan na ang mga magsasaka ay magbabalik ng kaukulang halaga sa Provincial Treasurer’s Office ng Kapitolyo. – Jean Alysa C. Guerra – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.