Online Medical Check-up para sa mga PDL, Isinagawa ng Provincial Health Office

Cavite-Tagaytay-Batangas Expressway Project, Ipinrisinta sa PDC Meeting
February 6, 2021
Kapitolyo, Nakiisa sa World Wetlands Day
February 6, 2021

February 6, 2021

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), ang isang online medical consultation para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakapiit sa Batangas Provincial Jail noong ika-3 ng Pebrero 2021.

Pinangunahan ni Dr. Gerald Alday ang isinagawang check-up ng mga PDL gamit ang video teleconferencing na kabilang sa mga hakbang na ipinatutupad dahil sa umiiral na pandemyang dulot ng COVID-19 virus.

22 na mga PDLs ang sumailalim sa online consultation, na nakararanas ng iba’t ibang karamdaman, tulad ng pamamantal sa katawan, pagkakaroon ng pigsa, diabetes, may ubo at hirap sa paghinga.

Sinigurado naman ng PHO, sa pangunguna ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, na maihahatid sa mga nagpapagamot na preso ang mga kinakailangang gamot, kagaya ng antibiotics, ointments at ibang pang klase ng medisina.

Pinaalalahanan din ni Dr. Alday, na siya ring tumatayong Incident Commander ng Batangas Task Force Against COVID-19, ang kahalagahan ng regular na paliligo at paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa loob ng panlalawigang bilangguan.

Kabilang ang naging aktibidad sa tagubilin ni Governor DoDo Mandanas na, sa kabila ng pandemya, maipagpatuloy ang mga serbisyo publiko, kabilang ang mga gawaing pang-kalusugan para sa mga nakapiit sa loob ng Batangas Provincial Jail.

MON ANTONIO A. CARAG III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.