OB Pagsasarili Family Day, ipinagdiwang sa Kapitolyo

Mga Natatanging Kawani at Tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, kinilala sa selebrasyon ng Ika-119th Anibersaryo ng Serbisyo Sibil
September 23, 2019
High Value Crop training, ginanap sa San Pascual
September 24, 2019

September 23, 2019

Ipinagdiwang ng OB Montessori Pagsasarili Preschool ang Family Day, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, noong ika-21 ng Setyembre 2019 sa Provincial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Dumalo sa nasabing programa, na may temang “Tungo sa Maginhawa, Matatag at Panatag na Pamilyang Pilipino”, ang 51 pamilya ng mga mag-aaral ng OB Montessori ay sama-samang nagdiwang ng Araw ng Pamilya, kapiling ang mga guro at staff ng nasabing preschool.

Nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad sa pagtitipon, tulad ng zumba dance competition, search for Best Family T-Shirts, at mga palarong pampamilya na nilahukan ng mga bata at magulang.

Junjun Hara De Chavez – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.