Oathtaking Ceremony ng mga Opisyal ng Batangas Province Travel Agencies Association, ginanap sa Kapitolyo

Free Civil Service Review, matagumpay na idinaos
March 3, 2019
Mga programa para sa Turismo at Ugnayang Pangkultura sa Batangas, iniulat
March 4, 2019

March 4, 2019

Ang patuloy na paglinang at pagpapaunlad sa industriya ng turismo sa lalawigan ay isa sa mga pangunahing tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO).

Malaki ang naitutulong ng mga travel agencies sa paghikayat ng mga turista sa Batangas sa pamamagitan ng kanilang mga travel packages na iniaalok para mapaginhawa ang pamamasyal sa iba’t ibang attractions sa lalawigan.

Kaugnay nito, minarapat ng PTCAO, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na travel agencies, na magtatag ng isang asosasyon na tinaguriang Batangas Province Travel Agencies Association (BaPTAA).

Ginanap ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng BaPTAA, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas, Atty. Sylvia Marasigan, (PTCAO Department Head) at mga Sangguniang Panlalawigan Board Members noong ika-4 ng Marso 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang mga nanumpang opisyal ng BaPTAA ay binubuo nina Grace Tesico ng GRT Travel and Tours bilang President, Michael Perez ng 365 Wonders Booking Reservations Service bilang Vice President, Rosyl Macatangay ng Jamjude Travel Services bilang Secretary, Ludeth Cruz ng Cozy Travel bilang Treasurer, Adella Paala ng Peak Travel and Tours International bilang Auditor at Arnold Enriquez ng Southern Premier Travel and Tours bilang Public Relations Officer.

Inaasahang higit pang mapapagbuti ang industriya ng turismo sa Batangas sa ilalim ng paggabay ng PTCAO at ni Governor DoDo Mandanas.

✐Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.