October 1, 2024
Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Health Office, kasama ang mga miyembro ng Provincial Nutrition Council, ang mga kinatawan ng National Nutrition Evaluation Team (NNET) na naatasang suriin at subaybayan ang implementasyon ng Philippine Plan of Action for Nutrition sa Lalawigan ng Batangas ngayong araw, ika-30 ng Setyembre 2024, sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.
Tututukan ng evaluation team ang nahirang na Regional Outstanding Provincial Nutrition Action Officer, Dr. Rosvilinda M. Ozaeta, at Regional Outstanding District Nutrition Action Officer, Ms. Divina C. Bauan, upang masuri ang mga lokal na programang pang-nutrisyon ng lalawigan.
Ang pagtatasa ng NNET ay nagsimula ngayong araw at tatagal hanggang ika-2 ng Oktubre taong 2024.
Kasama sa delegasyon sina Nutrition Officer III ng National Nutrition Council Maria Cynthia B. Vengco, Nutrition Officer II Robi Ebbah, University Research Associate I ng Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement (BIDANI) ng University of the Philippines – Los Banos Jomaica Yvonne Dejoya, Regional Nutrition Program Coordinator CALABARZON Lourdes Bulante-Orongan at Nutrition Officer II Julliene Louise Cuartero.
Ang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol o MELLPI Pro ay isang taunang aktibidad kung saan tinitingnan at binabantayan ang kahusayan at pagiging epektibo ng pamahalaang lokal is an annual monitoring activity conducted to assess the efficiency and effectiveness of local governments sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga local nutrition programs, gayun din ang pag-aaral at pagsusuri sa pagpapaganap ng mga local-level nutrition program implementers gamit ang MELLPI Pro tool.
Sa MELLPI Pro tool, tinatasa ang anim na dimensions na bumubuo sa isang maayos at epektibong nutrition program management system, kabilang ang Vision and Mission, Nutrition Laws and Policies, Governance and Organizational Structure, Local Nutrition Committee Management Functions, Nutrition Interventions/Services, at Change in the Nutritional Status in the LGU.
✐Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO
Froilan Salcedo Jr.- Batangas Capitol PIO