Natatanging Kontribusyon ng mga Child Development Workers ng Lalawigan, Kinilala ng Kapitolyo

MINUTES OF THE MEETING FOR THE OPENING OF REQUEST FOR QUOTATION OF PURCHASE REQUEST UNDER SMALL VALUE PROCUREMENT AND PRE-BID CONFERENCE OF THE BIDS AND AWARDS COMMITTEE FOR THE SUPPLY AND DELIVERY OF GOODS TO BE USED BY VARIOUS OFFICES OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BATANGAS HELD ON JULY 1, 2021, 10:00 A.M. AT THE PROVINCIAL AUDITORIUM, CAPITOL SITE, BATANGAS CITY AND VIA ZOOM CONFERENCE
July 1, 2021
6th Batangan Pride March Celebration, Ipinagdiwang
July 2, 2021

July 1, 2021

Muling binigyang-pugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga Child Development Workers (CDWs) sa ginanap na Virtual CDWs’ Day Celebration noong ika-25 ng Hunyo 2021.

Ang naturang pagdiriwang ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at sumentro sa tema ngayong taon na “Child Development Workers ECQ: Enhanced Commitment towards Quality Early Education amidst the pandemic.”

Sa naging mensahe ni Governor DoDo Mandanas, pinaalala at binigyang-diin nito ang pagpapataas ng antas ng ugnayan ng mga CDWs at sa pangunahing tagapangalaga at may pananangutan sa mga bata, ang mga magulang.

Ayon sa gobernador, sa paraang ito ay mapapagtibay ang pundasyon sa pagbibigay ng nararapat na pangangailan ng mga bata at, higit sa lahat, ang pagkakaroon ng serbisyong may quality care.

Ayon naman kay PSWDO Chief Jocelyn Montalbo, malaki ang kanilang pasasalamat sa mga CDWs sapagkat bagaman at nasa panahon pa rin ng pandemya, hindi nagbago ang commitment ng bawat isang CDW na maglingkod at maging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng mahusay na pagganap sa kanilang tungkuling maipaabot ang pangunahing edukasyon sa mga bata.

Naging bahagi rin ng programa ang isang forum na tumalakay sa blended integration program para sa mga Child Development Workers, na pinangunahan ni Ms. Barbra Mae C. Dumlao, Project Development Officer IV ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Council.

Nagbigay si Ms. Dumlao ng mga gabay at paraan kung paano maihahatid sa mga bata ang pagbibigay-kaalaman sa gitna ng patuloy na pagsasagawa ng blended learning ngayong panahon ng Bagong Normal.

Highlight naman ng pagdiriwang ang paggagawad ng pagkilala sa mga retirado at mga nagsilbi bilang Municipal Presidents ng mga CWD associations sa lalawigan.

Pinarangalan ang mga ito para sa kanilang hindi matatawaran at mahabang taon ng serbisyo sa larangan ng paglinang ng karunungan ng mga bata at pagbibigay ng early childhood care.

Bukod dito, pormal na ring inilunsad ang Hugas Iwas Mask Comic-styled worksheet na sinaksihan ni Governor Mandanas, na tumatayo ring Provincial Council for the Protection of Children Chairperson. Ang nasabing talasanayan ay ipamamahagi sa mga Day Care Children na pangangasiwaan ng mga CDWs. Layunin nito na patuloy na mapangalagaan at mabigyang proteksyon ang kapakanan at kalusugan ng mga batang Day Care at maipamulat sa kanila ang mga dapat gawin upang maging ligtas at makaiwas sa sakit na COVID-19.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.