Nasugbu, Kampeon sa Basketball, Volleyball ng Sikat si Kap 2022

Notice of Vacant Positions
September 19, 2022
Presentasyon, Sashing Ceremony ng Ilang Kandidata, Kandidato Isinagawa sa Kapitolyo
September 25, 2022

September 20, 2022

Matagumpay na nagtapos ang Sikat si Kap 2022 Inter-Town Basketball and Volleyball Tournaments, tampok ang mga barangay functionaries ng Unang Distrito ng Lalawigan ng Batangas, noong ika-15 ng Setyembre 2022, kung saan nagkampeon ang Bayan ng Nasugbu sa dalawang championship games na ginanap sa Balayan Government Center Covered Court.

Sa ika-pitong season ng palaro, naging kapanapanabik ang mga naging laban ng mga koponan. Nakapag-uwi ng kabuuang halagang ₱100,000 at trophies ang Nasugbu matapos mapanalunan ang kampeonato sa basketball at volleyball. Pumangalawa naman sa basketball ang Bayan ng Taal at pumangatlo ang Lian, samantalang pumangalawa sa volleyball ang Calaca City at sinundan ng Bayan ng Balayan.

Itinanghal na Most Valuable Players sina Macoy Bauyon, para sa basketball, at Audrey Nalog, para sa volleyball, habang napiling Sportsmanship Awardee si Obet Concepcion, na mga pawang mula Nasugbu.

Kaugnay nito, pumasok naman sa Basketball Mythical Five sina Ronald P. Salvacion ng Calaca, Ireneo H. Cabahog ng Lian, Regie Aseron ng Taal, at Macoy Bauyon at Ruel Fenol ng Nasugbu. Volleyball Mythical Six awardees naman sina Cynthia Atienza ng Taal, Melanie Sistona ng Balayan, Audrey Nalog at Villfania ng Nasugbu, at Maciejczyk Candido at Aileen Miranda ng Calaca.

Pormal na nagpasalamat si 1st District Board Member JunJun Rosales sa mga lumahok at nakiisa sa torneo. Ang Sikat Si Kap ay isang programang pampalakasan para sa mga opisyal ng barangay na nagsimula noong 2008 sa pangunguna ni dating Bokal Boy Rosales, ama ni Bokal JunJun, katuwang ang Provincial Assistance for Community Development Office (PACD).

Nakiisa rin sa programa sina General Services Office Department Head Paulette Maneja at PACD Youth and Development Officer Arthur Caguitla.

Jayne Elarmo/Photos-JunJun De Chavez Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.