Muling Pagbubukas ng BPLC, Tinalakay

Batangas Provincial Hospital Tumanggap ng Ultra-sound Machine mula Pilipinas Shell
September 16, 2020
SUPPLEMENTAL BULLETIN NO. 1 – Pre-Bid Conference of various goods of the Provincial Government of Batangas
September 17, 2020

September 17, 2020

Isang pagpupulong tungkol sa muling pagbubukas ng Batangas Province Livelihood Center o BPLC sa Batangas Port, Sta. Clara, Lungsod ng Batangas ang pinanganuhan ni Provincial Administrator Librado Dimaunahan noong ika -15 ng Setyembre 2020 sa DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Pinagtalakayan sa meeting ang pagsasaayos ng BPLC katuwang ang Philippine Archipelagi Ports and Terminal Services, Inc. (PhilPorts).

Ayon kay Ginoong Dimaunahan, malaki ang maitutulong ng pagbubukas ng BPLC sa mas lalong pagpapalakas at pagpapaganda ng operasyon ng Batangas Port, na magbibigay naman ng mas maraming trabaho para sa mga Batangueño.

Plano ng PhilPorts na gawin ang naturang gusali na, hindi lamang sentro ng mga souvenirs shops at pasalubong, kundi tanggapan na rin mga ticketing outlets at hotel services. Bukod sa pagiging isang livelihood center, ikinakasa ring gawin ang BPLC na isang Terminal Mall.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan nina Ginoong Carlo Jose Pastor ng Tanggapan ng Gobernador; PhilPorts representatives, Mr. Elbert Maligaya at Mr. Limuel Erilla; Batangas Philippine National Police (PNP) Provincial Director P/Col. Rex Arvin Malimban; P/Lt. Col. Julius Anonuevo at P/Lt. Col. Jack Angog ng Batangas Provincial Police Office; at ilang mga BPLC stakeholders.

Mon Antonio Carag III, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.