MRI & Psychiatry Building ng BatMC, Pinasinayaan

Batangas Volunteer Workers Muling Binigyan ng Honorarium
July 6, 2017
Transformation and Renovation ng Samahang Batangueña Building, Uumpisahan na
July 10, 2017

MRI Machine sa BatMC. Kasamang dumalo si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa pagpapasinaya ng bagong gawang Magnetic Resonance Imaging (MRI) and Psychiatry Building na bahagi ng Batangas Medical Center (BatMC) sa Lungsod ng Batangas noong ika-4 ng Hulyo 2017. Pinangunahan ni BatMC Hospital Chief Dr. Ramoncito Magnaye (kanan) ang ribbon-cutting ceremony, na dinaluhan din nina (mula kaliwa) Dept. of Health Undersecretary Dr. Herminigildo Valle, 5th District Congressman Marvey Mariño at Dr. Celeste Encarnacion na Chaiperson ng BatMC Dept. of Radiology. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO

July 6, 2017

MRI Machine sa BatMC. Kasamang dumalo si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa pagpapasinaya ng bagong gawang Magnetic Resonance Imaging (MRI) and Psychiatry Building na bahagi ng Batangas Medical Center (BatMC) sa Lungsod ng Batangas noong ika-4 ng Hulyo 2017. Pinangunahan ni BatMC Hospital Chief Dr. Ramoncito Magnaye (kanan) ang ribbon-cutting ceremony, na dinaluhan din nina (mula kaliwa) Dept. of Health Undersecretary Dr. Herminigildo Valle, 5th District Congressman Marvey Mariño at Dr. Celeste Encarnacion na Chaiperson ng BatMC Dept. of Radiology. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Kasamang dumalo si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa pagpapasinaya at ribbon-cutting ceremony ng bagong gawang Magnetic Resonance Imaging (MRI) and Psychiatry Building na bahagi ng Batangas Medical Center sa Lungsod ng Batangas noong ika-4 ng Hulyo 2017

Ang diagnostic machine ay isa sa mga pinaka sopistikadong kagamitang pang medisina para matukoy ang mga karamdamang may kinalaman sa utak, spinal condition, sports injuries, gastrointestinal tract conditions, at iba pa. Sa pamamagitan nito, nakakakuha ng detalyadong larawan ng mga internal organs ng pasyente upang malaman ang karampatang lunas para sa mga ito.

Sa kanyang mensahe, pinasalamaan ni Gov. Mandanas ang Department of Health (DOH) sa mahusay na pgpapatakbo ng nasabing tertiary hospital, na nasa direktang superbisyon at pamamahala ng Center for Health Development Region IV-A ng DOH, at sa masisigasig na mga doctor, nurses at hospital personnel, sa pangunguna ni BatMC Hospital Chief Dr. Ramoncito Magnaye.

Bilang suporta sa BatMC, na nakatayo sa mahigit apat at kalahating ektaryang lupa na pagmamay-ari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ipinaalam ni Gov. Mandanas na isinasaayos na ang kasulatan upang ang paggamit o lease ng nasabing property ay mapalawig pa ng 50 taon.

Hiniling lamang ng ama ng lalawigan na ang mga mahihirap na pasyenteng Batangueño na pumasa na sa pagsusuri ng Provincial Social Welfare and Development Office bilang karapat dapat na mabigyan ng tulong medical ay automatikong kilalanin na din ng BatMC para makakuha ng Zero hospital billing o wala nang babayaran sa ospital at maging libre kung kinakailangan sumailalim sa MRI scan.

Kabilang sa mga dumalo sa okasyon sina DOH Undersecretary Dr. Herminigildo Valle at 5th District Congressman Marvey Mariño. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.