Mother’s Day Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan

Invitation to Submit Quotation (Shopping)
May 17, 2022
BAYANIHAN GRANT TO LOCAL GOVERNMENT UNITS – Report on Fund Utilization and Status of Program/ ProjecU Activity (P I A I P) Implementation
May 17, 2022

May 16, 2022

Isang Linggo matapos ang selebrasyon ng Mother’s Day, binigyan naman ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga natatanging ina na mga kawani dito.

Sa lingguhang pagpupugay sa bandila sa noong ika-16 ng Mayo 2022 sa Provincial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas, pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office ang pagbibigay-pugay sa mga empleyadong ilaw ng tahanan, na pinagkalooban ng regalong cooler bag at tsokolate.

Pinasalamatan naman ni Batangas Governor DoDo Mandanas ang mga ina na patuloy na nagbibigay ng kalinga sa bawat pamilya.

Ipinabatid din ni Governor Mandanas na, sa kabila ng pagpanaw ng kanyang asawang si Atty. Gina Reyes-Mandanas, na tumayong ina ng lalawigan, ipagpapatuloy pa rin ang mga nasimulang programa at adhikain nito sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang foundation na magsusulong sa lalong pagpapaganap ng mga proyektong pangkalusugan, edukasyon at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga Batangueño.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.