Monitoring sa mga Naitanim na Halaman at Puno sa Lalawigan, Patuloy na Isinasagawa ng PGENRO

Mangrove Clean-up, Patuloy na Isinasagawa
September 4, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF 200,000 PACKS OF RICE (PACKED BY TWO (2) 5 KILOS WITH TWO (2) ECOBAG WITH FULL COLOR PRINT) TO BE DISTRIBUTED TO LOW INCOME FAMILIES, NO WORK /JOB DURING PANDEMIC AND DID NOT RECEIVED ANY ASSISTANCE AND OR HONORARIUM FROM NATIONAL AND PROVINCIAL GOVERNMENT
September 6, 2021

September 4, 2021

90% ang survival rate ng mga itinanim na mga halaman at puno sa mga tree planting drives sa mga Bayan ng Calatagan, Lian, San Jose, Nasugbu, Taysan, San Juan at Rosario.

Ito ang napatunayan ng mga kinatawan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) sa isinagawa ng mga itong monitoring kamakailan. Katunayan, ang ibang puno ay namumunga na at napapakinabangan na ng mga benepisyaryo.

Katulong ng PGENRO sa pagbisita sa mga iba’t ibang tree planting sites ang mga Municipal Environment and Natural Resources Offices at Municipal Agriculture Offices ng mga nabanggit na bayan.

Kabilang sa mga seedlings na naitanim, na ngayon ay 1 hanggang 3 taon na, ay narra, mulawin, caballero, manga, calamansi, guyabano, antsoan dilao, sinturis, dalandan at atis.

Ang pamamahagi ng mga forest at fruit-bearing tree seedlings o pananim sa mga bayan at lungsod sa lalawigan, maging sa mga samahan o organisasyon, barangay, paaralan, simbahan at indibidwal, ay isa sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, katuwang ang maraming private companies, non-government organizations at foundations, upang mapanatili ang isang malusog, malinis at luntiang kapaligiran sa buong lalawigan.

Ang mga nasabing seedlings ay itinanim sa mga tabing-daan, mga bakanteng lote, mga bakuran, at sa mga lugar na malapit sa paaralan, barangay hall, simbahan, sanitary landfill at closed dumpsites, at mga bundok at burol.

Kaakibat ng pamamahagi ng mga seedlings ang pag-monitor o pagsubaybay sa mga ito upang malaman at masiguro na naalagaan, nabubuhay, lumalaki at napapakinabangan ng mga mamamayan.

Batangas Capitol PIO – PGENRO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.