Mobile Community Kitchen ng Kapitolyo, Malapit nang Buksan

Air Quality Monitoring sa Batangas Province, Patuloy na Isinasagawa
May 9, 2021
Batangas Province to Open Quarantine Hub at Batangas International Port
May 13, 2021

May 9, 2021

Tutok sa mga Bata, Seniors sa mga Pamilyang Apektado ng COVID

Malapit ng pasimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Supplementary Feeding Program na ipagaganap sa pamamagitan ng Help In Motion: Mobile Community Kitchen.

Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), bahagi ito ng patuloy na pag-aksyon ng Kapitolyo sa epektong dala ng COVID-19 pandemic at sa umiiral na quarantine restrictions sa lalawigan.

Layunin ng naturang proyekto na makapagbigay ng maayos na pagkain para sa mga bata at senior citizens mula sa mga pamilya na ang mga “bread winners” o mga kapamilyang naghahanap-buhay ay naapektuhan ng COVID-19 at nasa isolation at quarantine facilities.

Ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, na itinakdang ang mobile kitchen ang maging isa sa mga proyektong paglalaanan ng pondong mula sa share ng Lalawigan ng Batangas bilang host community ng mga power plants, kabilang ang Aboitiz Power Corporation.

Ang pangangasiwa naman ng mobile kitchen ay pangungunahan ng PSWDO, katuwang ang mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, at Child Development Workers, na kinikilala ng gobernador na kaagapay sa pagpapaganap ng mga programa at proyekto ng Kapitolyo sa mga komunidad ng bawat bayan at lungsod sa probinsya.

Ayon sa PSWDO, minarapat na magkaroon ng isang mobile kitchen upang matiyak ang pangangalaga sa kalusugan ng mga bata at senior citizens, na itinuturing na most vulnerable sectors ng lipunan, at makapagpaabot ng suporta sa mga ito, lalo na sa mga pamilya na nawalan ng kabuhayan dahil sa virus-related mandatory quarantine at isolation.

Ayon sa pagtataya ng pagtataya ng mga Child Development Workers, humigit kumulang tatlong libong benepisyaryo mula sa mga identified na mga barangay o komunidad ang makikinabang sa proyekto.
Sa supplementary feeding program, ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng pagkain 3 beses sa isang linggo, sa loob ng dalawang buwan. Ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga kapamilya nilang nagkasakit na gumaling at makapagtrabaho nang muli. Nakatakda itong gawin sa 3 batches, na tatagal ng anim na buwan.

Ang Mobile Community Kitchen ay kumpleto sa kagamitan para sa epektibong paghahatid ng hot meals sa mga target beneficiaries nito. Ito ay mayroong installed stainless kitchen at cabinets, heavy duty stoves, built-in freezer at generator, electric at exhaust fan, fire extinguisher, at preparation and wash area.

Bukod dito, kasama na rin sa kabuuan ng proyekto ang welfare goods na kinabibilangan ng mga bigas, asukal, harina, ilang mga sangkap sa pagluluto, at iba’t-ibang uri ng mga gulay.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.