MOA para sa kabahagi ng mga LGUs sa Lalawigan ng Batangas, nilagdaan ng Kapitolyo at mga Power Generation Companies

AboitizLand Football Cup – Luzon leg 2019, idaraos sa Batangas
October 9, 2019
Batangas Joint Full Council Meet, nakasentro sa disaster readiness, crime and drug prevention, peace and development
October 10, 2019

October 10, 2019

Pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga Power Generation Companies (GenCo) sa may operasyon sa lalawigan para sa implementasyon ng revised provisions ng Energy Regulations 1-94 (ER 1-94) o ang pagbibigay ng bahagi ng pinansyal na benepisyo mula sa mga power firms sa host communities o lokal na pamahalaan.

Ang nasabing MOA signing ay ginanap noong ika-9 ng Oktubre 2019, kaalinsabay ng isinagawang Joint Full Council Meeting sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Lumagda sa kasunduan sina Governor DoDo Mandanas, sa hanay ng Batangas Capitol, at mga kinatawan mula sa mga iba’t-ibang GenCo, kabilang ang First Gen Power Corporation, KEPCO Ilijan Corporation, Aboitiz Power, Maibarara Geothermal, Inc., Semi-Calaca Power Corporation, at South Luzon Thermal Energy Corporation.

Ang ER 1-94 ay isang polisiya o patakaran na nabuo sa pamamagitan ng Department of Enegry (DOE) Act of 1992 at Electric Power Industry Reform Act of 2001, kung saan nakasaad na ang DOE ay may mandatong lumikha ng mga paraan upang makapagbalik o makapagbahagi ng kita ang mga energy generating facilities sa mga lugar kung saan nakatayo ang mga pasilidad na ito.

Ang nasabing programa ay magbibigay daan sa pagkakaroon ng alokasyon sa pagtatayo at administrasyon ng Development and Livelihood Fund (DLF), at Reforestation, Watershed Management, Health and/or Environment Enhancement Fund (RWMHEEF).

One centavo per kilowatt hour ng Electricity Sales ng mga GenCo ang nakalaan para sa makukuhang pinansyal na benepisyo. Mula sa isang sentimo kada kilowatt hour, ang 50% dito ay gagamitin para sa Electrification, 25% para sa DLF, 25% para sa RWMHEEF.

Kaugnay nito, ilan sa mga proyektong nakatakdang paglaanan ng pondo ng pamahalaang panlalawigan ang pagsasaayos ng pasilidad ng Provincial Exhibition Center o Sports Complex, Peace and Order related programs, Environmental Security and Protection, Acquisition of Hi-Speed Tactical Watercraft/Speed Boat, Acquisition and Operationalization ng Mobile Clinic, Agriculture-related projects, at Livelihood projects kabilang ang Native Pig Raising at Cattle Beef Raising.

Samantala, nakiisa sa naturang MOA signing sina Vice Governor Mark Leviste, Provincial Administrator Levi Dimaunahan, Provincial Legal Officer Cesar Castor, Sr., Provincial Planning and Development Officer Benjie Bausas, at Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office Department Head Celia Atienza.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.