Mga Trabaho sa Local at Overseas, Muling Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Mga Proyekto ng Batangas Provincial School Board, Iniulat
April 16, 2018
Board Member Sanchez, Pormal na Nagbitiw sa Pwesto
April 18, 2018

April 17, 2018

Upang makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayang Batangueño, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) – Public Employment Service Office (PESO) ng dalawang araw na Special Recruitment Activity (SRA) katuwang ang Sunway International Manpower Services Inc. (SIMS) noong ika-17 hanggang ika-18 ng Abril 2018 sa PACD Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Ilan sa mga kompanya na kapartner ng SIMS ay ang Buhmaid sa Qatar na ngangailangan ng plumber, tile fixer, electrician, AC Technician at Draftsman (Civil); CSB sa Malta Europe na naghahanap naman ng bus bus driver, cashier, shop helper, warehouseman, sales associates at iba pa; Al yamama sa Dammam, Saudi Arabia na may bakanteng trabaho tulad ng welder stainless steel/inconel, pipe fabricator, instrument technician, refrigerator technician at iba pa.

Nagkaroon din ng mini job fair noong ika-20 ng Abril kung saan lumahok muli ang SIMS at tatlo pang kompanya kabilang na ang SM City Batangas na naghahanap ng Customer assistant, store operations at office assistant; Ace Hardware na may bakanteng positions na counter supervisor, warehouse supervisor, sales assistant, cashier/sales clerk at sales utility clerk/stock clerk; EMS Services Philippines Inc. na may immediate hiring para sa mga babae at lalaking production operators. – Kimzel Joy T. Delen at Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.