Mga Serbisyong Pambeterinaryo ng Batangas OPV, Tuloy-tuloy

Pagsasagawa ng Deworming Activitiy, Patuloy na Tinututukan ng PHO sa Gitna ng Pandemya
January 30, 2021
P4.5M Cash Assistance, Ipinamahagi ng DOLE, Kapitolyo para sa mga TUPAD Beneficiaries
January 30, 2021

January 30, 2021

‘By Appointment Policy’, Ipinatutupad

Bilang bahagi ng patuloy na mga ginagawang hakbang upang mabawasan at tuluyang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lalawigan, minarapat ng Batangas Provincial Veterinary Office (OPV) na magpatupad ng ‘By Appointment Policy’ kasabay ng kanilang walang patid na paghahatid ng mga serbisyong pambeterinaryo.

Kaugnay nito, sa isang opisyal na Facebook post ng tanggapan, ipinabatid dito na ang kaligtasang pangkalusugan ng bawat isang kliyente ng OPV ay kanilang pinapahalagahan dahilan upang ipatupad ang naturang polisiya.

“Kayo po ay maaring magtungo sa aming tanggapan kung kayo po ay may confirmed appointment para sa mga veterinary services at assistance na inyong kailangan,” saad ng pamunuan ng OPV.

Naniniwala si Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, na mas ligtas ang sistemang ito at maaari pang makatulong sa contact tracing, na mahalagang hakbang ngayong panahon ng pandemya.

Sa ilalim ng polisiya, kailangan magpa-schedule muna ng appointment ang kliyente sa pamamagitan ng pagsumite ng mga kinakailangang detalye gamit ang nakalaang online form. Dito ay matatagpuan ang iba’t-ibang serbisyong hatid ng tanggapan tulad ng consultation, animal treatment, at iba’t-ibang uri ng vaccination tulad ng para sa rabies, hemosep, at hog cholera.

Bukod dito, kabilang pa sa mas pinalawak na serbisyo ng OPV ang deworming, spaying and castration o pagkakapon ng aso at pusa, at sample blood, serum, swab, at tissue collection.

May appointment din ang tanggapan para sa mga may-ari ng poultry farms na magpapa-schedule ng sample collection and biosecurity evaluation para sa Bureau of Animal Industry Certification.

Matatagpuan ang mga online forms sa opisyal na website ng Office of the Provincial Veterinarian na https://provetbatangas.wixsite.com/pvobatangas na maaari ring makita sa Facebook page na OPV Batangas.

Sa kasalukuyan, walk-in application ang pagkuha ng trader’s pass, veterinary health certification, at local shipping permit ngunit mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat na kung magtutungo sa tanggapan ng OPV sa Diversion Road, Barangay Bolbok, Batangas City, na sundin ang mga kasalukuyang ipinatutupad na minimum health and safety standards tulad ng pagdadala at paggamit ng hand sanitizer at alcohol, pagsusuot ng facemasks at face shields, at pagsasaalang-alang ng physical distancing.

Samantala, ang tuloy-tuloy na serbisyo ng OPV ay sang-ayon sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas na matutukan rin ng pamahalaang panlalawigan ang iba pang mga hanay ng kaukulang mga tulong na hatid para sa mga mamamayang Batangueño.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.