Mga Proyektong Pang-imprastraktura ng Mandanas Administration Ngayong Panahon ng Pandemya, Tinalakay

Katayuan ng Batangas Province sa Laban Kontra COVID-19, Tinalakay
September 19, 2020
Notice of Award – Construction of Water Supply System, Drilling of Production Well, Installation of Submersible Pump and Construction of Elevated Water Tank at Brgy. Mataas na Bayan, Lemery, Batangas
September 21, 2020

September 20, 2020

Sa umiiral na pandemyang dulot ng COVID-19 virus, nadagdagan ang hamon sa serbisyo publiko. Subalit hindi naman ito naging dahilan upang mapatigil ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, bagkus ay higit pa itong pinaigting at pinalawak.

Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay Provincial Engineer Gilbert Gatdula noong ika-16 ng Setyembre 2020, detalyado nitong isinaad ang mga natapos, tinatapos at mga isasagawa pang mga proyekto ng kanilang tanggapan.

“Sang-ayon po sa tagubilin ni Governor DoDo Mandanas, asahan po ninyo na ang lahat ng nakaplanong projects ay matutupad this year,” pahayag pa nito. “Asahan din po ninyo ang madami o dagsa-dagsang projects next year.”

Unang tinalakay ni Engr. Gatdula ang isinagawang repair ng mga isolation facilities sa mga bayan ng Laurel, Nasugbu at San Jose, at Lungsod ng Lipa na ipinatupad alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act, pati na rin ang mga on-going na konstruksyon sa mga Bayan ng Lobo, Balayan at San Juan na nagkakahalagang ₱24,945,000. Kabilang dito ang kasalukuyang itinatayong isolation building sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Balayan na pinaglaanan ng karagdagang ₱12 milyon hanggang sa matapos ito.

Dagdag pa nito, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga isolation rooms at building sa 12 provincial at district hospitals sa lalawigan, sa ilalim ng Capital Development Fund (CDF) na may kabuuang ₱121 milyon, habang ₱93 milyon ang ilalaan sa konstruksyon ng Dialysis and Diagnostics Building sa Nasugbu, San Jose at Tanauan City.

Bukod dito, binanggit ni Engr. Gatdula ang kasalukuyang estado ng Talaibon Interim Housing para sa Taal evacuees sa Bayan ng Ibaan, kung saan hanggang ngayon ay ang pamahalaang panlalawigan pa rin ang nagbabayad ng electrical bills. Matapos makipag-usap kay Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Department Head Jocelyn Montalbo, napagpasyahang palagyan na ng kuntador ang bawat isang bahay sa Talaibon, at ang mga nakatira na dito ang magbabayad sa kanilang electric bills dahil pangmatagalan naman nang titira ang mga ito dito at unti-unti nang nakakabangon mula sa naging sakuna. Gayunpaman, ang provincial government pa rin umano ang magbabayad sa pagpapakabit at transfer ng kuntador na nagkakahalagang ₱5,200 bawat isa.

Ang CDF na nagkakahalagang P1.45 bilyon ay inaasahang mailalabas at magagamit na sa first quarter ng 2021, at ilalaan sa infrastructure projects at pambili ng equipment kabilang ang mga fire trucks at garbage trucks. 20% dito, o nasa humigit kumulang ₱600 milyon, ay nakalaan sa pagawaing pang-imprastraktura, ngunit maari ring magamit para sa relief goods kapag kinailangan at ipinag-utos ng national government.

Sa kasalukuyan, magkakaroon na ng bidding para umano sa naantalang halfway house para sa mga rebel returnees sa Malainin, Ibaan, na paglalaanan ng ₱5 milyon na budget, at itatayo malapit sa evacuation center.

Dagdag pa nito, magkakaroon umano ng HELP Integrated Module, na gaganapin sa Malainin, Ibaan kung saan magkakaroon ng isang area, na may kabuuang sukat na 2.09 na ektarya at pagtatayuan ng warehouse, cold storage, training facility, at kitchen, sa pangunguna ni Provincial Administrator Librado Dimaunahan.


Binigyang-diin ni Engr. Gatdula na kahit na may pandemya, patuloy pa rin ang iba’t ibang pagawain, kagaya ng road widening sa Bauan-Alitagtag Road at Cuta-Sta.Teresita Road; pagpapalawak ng kalsada sa Malainin, Ibaan, na may sukat na 15 meters, papunta sa evacuation center, na sisimulan sa darating na linggo; at ang dredging ng Pansipit River.

Nakatakda na ring pasimulan ang pagpapagawa ng bakod ng Malainin Rehabilitation Center, na gagawing temporary quarantine facility para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs), at ang pag-convert sa evacuation center sa Bauan sa isang health facility, na may ₱50 milyon na budget, na magsisilbing testing center o mini hospital.


Dagdag pa ni Engr. Gatdula, magtatayo umano ng evacuation can enter sa loob ng Batangas Provincial Sports Complex sa Lungsod ng Batangas, na isasagawa ng Department of Public Works and Highways at popondohan ni Senator Bong Go.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.