Mga Proyektong Handog ng Batangas Provincial School Board, Isinasagawa

Pinsala ni Quinta sa Livestock, Poultry sa Batangas Province Umabot ng Mahigit ₱1M
November 1, 2020
Bagyong Rolly Situation Briefing and Planning, November 1, 2020 (8:30 AM)
November 1, 2020

November 1, 2020

Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo noong ika-30 ng Oktubre 2020 kay Engr. Evelyn Estigoy, Secretariat Head ng Provincial School Board (PSB) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ibinahagi nito ang mga naitulong at kasalukuyang ipinagkakaloob ng Kapitolyo sa education sector sa probinsya.

Ayon sa School Board under ng local government code ang focus nito ay ang operasyon ng mga publikong paaralan simula Kinder hanggang Senior Highschool na magkakaroon ng ayudang kinikuha sa SEF, isa sa mga prayoridad ay ang sports development at ang construction and rehabilitation and improvement ng school buildings. Ilan sa mga napagkalooban ng konstraksyon ng mga paaralan ang ang munisipalidad ng Lemery, Bauan, Tuy, Balete, San Luis, Rosario, San Juan at Nasugbo.

Kabilang sa mga programang ipinatutupad at nakatakdang ipaganap, sang-ayon sa mga bagong guidelines ng Department of Education at Department of the Interior and Local Government ngayong may pandemya, ang School Feeding, kung saan naaprubahan na PSB ang 10 na centralized kitchen para sa pagahahanda na mga pagkain para sa dito. May nakatalagang namang budget ang DepEd para sa bitamina at gatas na may specialized equipment at malalaking refrigerators.

Napagkasunduan din ang proyektong gulayan na agad namang sinang-ayunan ni Gov. DoDo Mandanas sa food sufficiency, at nilaanan ng pamahalaang panlalawigan ng ₱30 Milyon na budget para dito.

Nagkaroon na ng bidding para sa 812 na laptops na nagkakahalagang ₱38.57 Milyon. Pinagkalooban din ng printing equipment (Centralized Printing Package) ang mga guro at estudyante sa probinsya, na may pondong mahigit ₱15 Milyon.

Para naman sa special education, may nakalaang instructional materials, tulad ng manipulative materials at Smart Reading Pen System.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.