Mga programa ng Mandanas Administration para sa Edukasyon, Tinalakay

Batangueña Little League World Series Champions, Kinilala
August 20, 2018
Bagong Surgery Building ng Batangas Medical Center, Pinasinayaan
August 24, 2018

Edukasyon ng Kabataang Batangueño, prayoridad ng Kapitolyo. Tuloy-tuloy ang tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, upang matugunan ang mga pangangailan sa programang pang-edukasyon sa Lalawigan ng Batangas, katuwang ang Department of Education at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan. Photo: JJ Pascua - Batangas Capitol PIO

August 23, 2018

Edukasyon ng Kabataang Batangueño, prayoridad ng Kapitolyo. Tuloy-tuloy ang tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, upang matugunan ang mga pangangailan sa programang pang-edukasyon sa Lalawigan ng Batangas, katuwang ang Department of Education at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan. Photo: JJ Pascua – Batangas Capitol PIO

Isa sa mga layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas ang mapagbuti at maitaas ang antas ng edukasyon sa probinsya, mula sa pagpapalawig ng scholarship programs, sa pagbibigay ng sapat na budget para sa pagpapatayo ng mga paaralan hanggang sa pagsuporta sa bawat estudyanteng Batangueño sa iba’t-ibang larangan, mapa-akademiko man o extracurricular activities.

Kaugnay nito, sa isang panayam kay Dr. Carlito Rocafort, ang Schools Division Superintendent sa lalawigan at ngayon ay may concurrent capacity bilang Assistant Regional Director ng Department of Education CALABARAZON, inilahad niya ang mga tulong na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa pagtugon sa mga pangangailan at programang magiging tulay sa pagkakaroon ng maayos na edukasyon.

Ayon kay Dr. Rocafort, unang inilatag ng gobernador sa naganap na regular Provincial School Board Meeting ang mga plano para sa taong 2019 at ang kasalukuyang estado ng mga ipinapagawang classrooms. Ipinaliwanag niya na sa 21 pagawaing mga silid-aralan, sampu dito ang 100% nang tapos, samantalang nasa 90% status naman ang natitirang bilang ng classrooms.

Sa patuloy na pagbabahagi ni Dr. Rocafort, labis ang kanyang ipinakitang tuwa sa napakagandang proyekto ni Governor Mandanas na makapagpatayo ng Open Classroom. Ito ay makapagbibigay ng modernong pamamaraan ng pagtuturo kung saan makakapagbahagi ang mga guro sa maraming estudyante ng mga kaalaman sa kabila ng kani-kanilang mga kakayahan na matuto.

Nabanggit rin ng kasalukuyang Assistant Regional Director ang tungkol sa dalawang special schools ng lalawigan, ang Batangas Province Science High School at Batangas Province High School for Culture and Arts. Ipinaliwanag niya na napakalaki ng ibinibigay na tulong at suporta ng pamahalaang panlalawigan sa nasabing mga paaralan. Sa katunayan aniya, bukod sa pamimigay ng equipment at pagsasaayos ng school building, ngayon ay nakapagdagdag na ng tig-lilimang guro at tig-wawalong non-teaching personnel para sa dalawang eskuwelahan na, sa kanyang paglilinaw, ay pawang nakakarga sa pamahalaang panlalawigan at hindi sa Department of Education kung saan pamamahala lang ang kanilang tungkulin.

Dagdag pa ni Dr. Rocafort na isa sa mga priority program ng gobernador ang sports development. Ayon sa kanya, patuloy ang kanilang natatanggap na suporta para mas mapaunlad pa ang mga kakayahan ng bawat atletang Batangueño.

Samantala, ibinahagi naman ni Dr. Rocafort, na sa pagatatapos ng kanilang pagpupulong kasama ang Gobernador ay nagkaroon ng distribution ng mga school equipments sa mga Senior High Schools sa lalawigan ng Batangas mula Congressional District 1 hanggang 4. Para sa mga paaralan, nakapamahagi ang Mandanas Administration sa pangunguna ng Provincial School Board ng mga LED TV at para naman sa mga senior high students na kumukuha ng strand o track na Technology, Vocational at Livelihood Education, nabiyayaan sila ng welding machine, mechanical dough roller at grass cutter na inaasahang makakatulong sa kanilang laboratory works at sa kabuuan ng kanilang pag-aaral. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.