October 1, 2024
Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), ang paggagawad ng 2024 Individual and Office Awards kaugnay ng pagdiriwang ng 124th Philippine Civil Service Anniversary.
Binigyang pagkilala ang mga natatanging kawani at tanggapan ng Kapitolyo, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, kasama sina Vice Governor Mark Leviste, PHRMO Head Madonna Bicol, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Chief of Staff Maria Isabel B. Bejasa at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, noong ika-30 ng Setyembre 2024 matapos ang lingguhang pagpupugay sa Bandila ng Pilipinas sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.
Itinanghal na Outstanding Employee of the Year sina Ms. Basilia Canta ng Dr. Ernesto H. Maranan Memorial Hospital, para sa 1st level category, at Mr. Paul John Caunan ng Office of the Provincial Agriculturist, para naman sa 2nd Level.
Naging Exemplary Behavior Awardees naman nina Ms. Ellen Dalida ng Provincial Health Office – Apacible Memorial District Hospital, para sa 1st Level Category, at Ms. Flor De Lis Clerigo ng Provincial General Services Office sa 2nd level.
Itinanghal namang Model Employee of the Year si Mr. John Joseph Castillo ng Provincial Planning and Development Office.
Ginawaran naman ng Governor’s Service Award si Ms. Fe Espino ng Office of the Provincial Legal Officer, na nakapagsilbi na sa pamahalaang panlalawigan ng mahigit 35 taon.
Samantala, para sa Office Awards, nagwagi ang Office of the Provincial Governor sa kanilang entry na “Transform: Begin from Within” bilang 1st Placer sa 2024 Reel Making Contest. Sinundan ito ng entry na “Magiting: Pilipinong Batangueño” ng Provincial Information Office bilang 2nd Place, at entry na “Pause” ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office na nakuha ang 3rd Place.
Ipinagkaloob naman ang 7S Award na sumasalamin sa Total Quality Management sa Provincial Assistance for Community Public Employment, Youth and Sports Development Office (PACPEYSDO), habang iginawad naman sa Provincial Health Office-Laurel Memorial District Hospital ang Top Performing Frontline Services- District Hospital.
Ang mga awardees ay tumanggap ng plaque, sertipiko ng pagkilala at cash prizes o insentibo. Hinusgahan ang mga ito sa pamamagitan ng masusing deliberasyon ng mga naimbitahang external evaluators mula sa iba’t-ibang ahensya.
✎: Jayne Elarmo-Ylagan / 📷: Junjun Hara – Batangas Capitol PIO