Mga natatanging estudyanteng Batangueño, TESDA binigyang pagkilala ng Kapitolyo

Supplemental Bid No. 1 for Project Number P-035 (October 15, 2024 Bidding)
October 7, 2024
Pamilya Saguid, nahirang na 2024 Huwarang Pamilya ng Batangas Provincial Capitol Employees
October 7, 2024

October 7, 2024

Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang ilang mga Batangueñong mag-aaral at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Batangas, kasabay ng Pagpupugay sa Bandila ngayong araw, ika-7 ng Oktubre 2024 sa Provincial Auditorium, Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Kabilang dito ang mga estudyanteng miyembro ng Philippine Institute of Civil Engineers – University of Batangas Student Chapter (PICE – UBSC) na binigyang-pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas sa pamamagitan ng isang resolusyon, na iniakda ni Sangguniang Kabataan Federation President, Board Member Voltaire Pua, matapos silang magwagi ng Undergraduate Team Structural Design and Innovation Award sa ginanap na “Introducing and Demonstrating Earthquake Engineering Research In Schools (IDDERS 2024)” noong ika-19 hanggang 21 ng Setyembre 2024 sa Taipei, Taiwan. Ang team ng UB ay binubuo nina Jhoaquin Antonio Sanvictores, Jose Rafhael Rosales, Beyonce Studdmore Villena at Mark Joseph Delizo, kasama ang kanilang professor na si Mr. Siddartha Valle.

Kinilala rin ang mga Batangas State University Integrated School students na nagpakitang gilas sa 23rd Philippine Robotics Olympiad na ginanap sa Ayala Malls, Trinoma Activity Center, Quezon noong ika-20 ng Agosto 2024. Kasama dito sina Alliyah Therese Manalo at Liam Wayne Santos, 2nd Placer sa Robo Mission Junior High School; Joseph Bernard Maala, John Angelo Bautista at Coach Mr. Luis Philip Oropesa, 1st Placer sa Future Engineers – Self Driving Cars; at Rowlen Mathew Guia, Mary Athena Hernandez at Coach Eugene Mendoza, 1st Placer sa Robo Sports – Double Tennis.

Pinarangalan din ang mga nagwagi sa 2024 Philippine National Skills Competition noong ika-21-25 ng Agosto 2024 sa World Trade Center, Pasay City, kabilang ang mga Lyceum of the Philippines – Batangas students na sina Lianna Kryzelle Verana, Gold awardee sa Restaurant Service, Carlos Antonio Delos Reyes, Gold awardee sa Hotel Reception, at Lenard Jim Dolor, Silver Medalist sa IT Network Cabling; at mga taga-University of Batangas na sina Christian Lee Gutierrez, Silver awardee sa Mechanical Engineering CAD, at Justin Anthony Aleta, Bronze awardee sa Graphic Design Technology.

Ginawaran naman ng Certificate of Recognition si Kimberlyn Dalisay, Magna Cum Laude sa kursong Aviation Electronics Technology ng Philippine State College of Aeronautics sa Fernando Air Base, Lungsod ng Lipa.

Samantala, kinilala ng Kapitolyo ang TESDA Batangas Provincial Office sa kanilang pagkakahirang bilang Galing Probinsya Awardee Large Category at Best Training Institution RTC/ Specialized Training Center sa 2024 Search for TESDA Organizational Excellence Awards sa World Trade Center, Pasay City noong ika 23 ng Agosto 2024. Tinanggap ang parangal ni TESDA Provincial Director Dorie Gutierrez kasama ang ilang kawani ng TESDA Batangas.

✎: Jayne Elarmo-Ylagan / 📷: Francis Milla – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.