Mga Kawani ng Batangas Capitol na Nagpositibo sa COVID-19, Nadagdagan Pa

Notice of Vacant Positions
October 6, 2020
No Home Quarantine, Agresibong Mass Testing ipinatutupad sa Lalawigan ng Batangas
October 9, 2020

October 9, 2020

COVID-19 Response ng Lalawigan, Tuloy-tuloy pa rin sa Kabila ng Nararanasang Pandemya

Tunay na isang malaking hamon sa paghahatid ng serbisyo publiko ang patuloy na banta na idinudulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ito ay matapos kumpirmahin ng pamunuan ng Office of the Provincial Governor (OPG) na mayroong bagong naitala na nagpositibo sa sakit sa kanilang tanggapan, sa ikatlong pagkakataon, noong ika-1 ng Oktubre 2020.

Dahil dito, muling naisailalim ang naturang opisina sa temporary closure upang magsagawa ng disinfection at sanitation para sa proteksyon ng iba pang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, at ng publiko na nagtutungo sa OPG para sa mahahalagang serbisyo at transaksyon. Agaran ding sumailalim sa isolation at quarantine ang mga kawaning nagkasakit, at nagsagawa ng malawakang contact tracing.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang serbisyo para sa mga kawani ng tanggapan ng gobernador at ng lahat ng departamento ng Kapitolyo

Mula nang magsimula ang community quarantine noong Marso, 8 na mga kawani na OPG ang naitalang nahawa ng nasabing virus. Marami na ring nagkasakit mula sa Provincial Health Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Public Order and Safety Department, Provincial Engineering Office, Sangguniang Panlalawigan, OPG at iba pang mga tanggapan. Bukod pa rito ang mga nagkakasakit na medical personnel sa mga district at provincial hospitals.

Bagaman mahigpit ang ginagawang pag-iingat at pagpapatupad ng health protocols, kabilang ang “no physical contact services,” hindi pa rin maiiwasan na mahawa sapagkat may ilan talagang mga serbisyo ang kinakailangan ng pakikisalamuha, tulad na lamang ng ginagawang pagpunta ng mga empleyado sa iba’t-ibang bayan at lungsod upang maihatid ng personal ang mga agarang tulong at suporta sa mga mamamayang Batangueño.
Mula nang ipatupad ang mahigpit na estado ng community quarantine sa buong Luzon, tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo ng mga kawani ng Kapitolyo na layuning isakatuparan ang mga proyekto at inisyatibo na laan para sa lalawigan, sa kabila ng pandemya.

Samantala, binigyang-diin naman ni Governor DoDo Mandanas na sa kabila ng lumalawak na epekto ng COVID-19 sa aspeto ng pamumuhay ng bawat isa at maging sa ekonomiya, ang pangangailangan umano na maitaas pa ang antas ng pagtulong, sa linya ng edukasyon, kalusugan, at hanapbuhay ay ang isa sa mga prayoridad ng kaniyang administrasyon.

Hindi man aniya siya personal na nasa kaniyang tanggapan araw araw sa Kapitolyo, tiniyak niya na waling patid ang kaniyang pagtutok, pagbibigay ng direktiba, pangunguna at pagdalo sa mga pagpupulong, at pagpapatupad ng mga hakbang upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa probinsya. Malaking tulong dito, dagdag ng gobernador, ang pagiging posible na sa ngayon ng video calls at virtual meetings sa pamamagitan ng internet.

Ang dahilan sa work from home setup ng gobernador ay ang mahigpit na payo ng kaniyang doktor na hindi siya umano maaaring lumabas sapagkat, bukod sa kaniyang edad na 76, ay may asthma rin ito na itinuturing na isa sa mga pangunahing lung comorbidity na mapanganib kung mahahawa ng COVID-19.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.