December 20, 2022
Nagpasikat at nagpasiklab ng kanilang mga talento ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa ginanap na Batangas Provincial Capitol Got Talent competition noong ika-18 ng Disyembre 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.
Nilahukan ng pitong indibidwal at dalawang grupo ang nasabing paligsahan kung saan itinanghal na kampeon ang dance group ng Provincial Health Office, na kinabibilangan nina Vien Mark Canarias, John Aljen Lacasa, Junel Garbin, Ryan John De Guzman, Estefano Magpili, Von Eric Marasigan, Jhon Ednel Lacsamana at Mark Villano; 2nd placer si Zara Josiah M. Dimaano ng Office of the Provincial Governor; at pangatlo naman si Frederick Cantos ng Provincial Administrator’s Office.
Ang mga nagwagi ay tumanggap ng certificates of recognition, at cash prizes na ₱15,000, ₱10,000 at ₱5,000, sang-ayon sa pagkakasunod.
Ang paligsahan, na pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office, ay bahagi ng mga aktibidad ng pamahalaang panlalawigan, kaugnay ng proyekto nitong Paskong Batangueño sa Kapitolyo 2022. Ang iba’t ibang mga kompetisyon ay isinasagawa pagkatapos ng Simbang Gabi tuwing 5:30 ng hapon.
Jayne Elarmo – Batangas PIO