Mga Kabataan, mas Bibigyang Atensyon

Call Center Agents Training, Matagumpay na Naidaos
November 17, 2017
Company Expansion ng JG Summit, Tinalakay
November 17, 2017

November 17, 2017

Kada taon ay milyun-milyong kabataan ang sumusubok ng pag-inom, paggamit ng pinagbabawal na gamot at pagsisigarilyo. Karamihan sa kanila ay hindi napagbabawalan, at hindi nahuhuli na nagiging resulta ng pangmalawakang problema ng ating bansa.

Kaugnay nito, nagkaisa at malugod na ibabahagi ng lokal na Pamahalaan ng Lalawigan ng Batangas, katuwang ang Provincial Council for the Protection of Children upang gunitain ang taunang selebrasyon ng “ Children’s Month” na may temang “Bata: Iligtas sa Droga”. Ito ay gaganapin sa Provincial Audotorium Capitol Compound, Batangas City sa ika 28-ng Nobyembre 2017. Target nito ang 700 na kalahok na manggagaling sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng ayon kay Ms. Norly Montalbo De Guzman, Social Welfare Officer.

Layunin nitong maitaguyod ang karapatan ng mga bata at magabayan ang mga ito upang maiwasan ang masamang dulot ng paggamit ng pinagbabawal na gamot sa lipunan at sa kalusugan. Kaugnay nito, may mga aktibidad na nakatakdang maganap sa nasabing araw ng selebrasyon, una na dito ang Advocacy walk na magsisimula sa ganap na ala-sais ng umaga (6:00 am) at mga leksyon patungkol sa masamang dulot ng pornograpiya. /Batangas Capitol PIO – Aimee Zaira Macasaet , Christine Santos

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11

Comments are closed.