Mga Hakbang Ipinatutupad ng Batangas Capitol sa Harap ng Tumataas muling mga Kaso ng COVID-19

REQUEST FOR QUOTATION – Purchase and Delivery of One (1) unit Milking Machine for Batangas Dairy Cattle Production under PRDP-IREAP
July 15, 2022
Local Government Support Fund (as of June 30, 2022)
July 20, 2022

July 18, 2022

Patuloy na tumataas ang mga bagong kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang linggo sa bansa. Pero ayon sa Department of Health (DOH), marami sa mga kaso ay mild at asymptomatic.

Bilang tugon dito, nagsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga empleyado at ng mga kababayang dumudulog sa Kapitolyo para sa iba’t ibang serbisyo publiko.

Kabilang dito ang pagkuha ng temperatura at pagtingin kung may ubo at sipon ang bawat empleyado na nagsipagdalo sa lingguhang flag ceremony noong ika-18 ng Hulyo 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Namigay din ang Provincial Health Office sa mga empleyado ng mga Vitamin C tablets, face masks, information pamphlets at insect repellents upang makaiwas sa dengue ngayong panahon ng tag-ulan.

Bago ito, patuloy ang pamamahagi ng mga vitamin supplements, face masks at alcohol sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Ipinaalala naman ni Governor Mandanas na mahalagang mapanatiling malakas ang pangangatawan, malinis ang kapaligiran at magpabakuna ng makaiwas sa mga dalang panganib ng COVID-19 virus at ng dengue.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.