Mga Epektibong Anti-Illegal Drug Councils sa Batangas Province, Inihayag ng Panlalawigang Konseho

Gov. DoDo, Kinilala ng Bayan ng Balete dahil sa Mandanas Ruling
June 1, 2022
9 na Lugar sa Batangas Province, Nagpositibo sa Arsenic
June 4, 2022

June 4, 2022

Ipinakilala ng Provincial Anti-Illegal Drug Abuse Council (PADAC) ang mga high functional na Anti-Drug Abuse Councils (ADAC) ng mga lokal na pamahalaan noong 2021, matapos ang isinagawang performance audit.

Ibinahagi ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas Provincial Director Abigail Andres sa ginawang PADAC meeting, na pinangunahan ni Gov. DoDo Mandanas, sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas noong Hunyo 2, 2022.

Sa 34 na bayan at lungsod sa lalawigan ng Batangas, walo sa mga ito ang tinaguriang high functional na ADAC, 17 ang moderate functional, 8 ang low functional at isang munisipalidad ang hindi nakilahok.

Batay sa ibinigay na indicators, nakita kung aling mga bayan at lungsod ang tumatalima sa hangarin ng pamahalaan na masolusyonan ang problema sa iligal na droga.

Nakapagtala ng mataas na puntos ang mga bayan ng Balete, Calaca, Lemery, San Jose, Sta. Teresita, Taal, Taysan at Tingloy.

Bukod dito, inaprubahan din sa nasabing pagpupulong ang resolusyon, na ibinahagi ni Provincial Assistance for Community Development Office department head at PADAC Technical Working Group Chairperson Fredesvinda Mendoza, na magbibigay ng tulong sa paghahanapbuhay para sa mga drug users at pushers na nakagtapos ng rehabilitation program, bilang bahagi ng After Care Strategy.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.