Mga Batangueñong Magsasaka Ipapadala sa Chuncheon City, South Korea

Empleyado ng Provincial Agri Office, Pinarangalang Outstanding Farmer Technician
February 26, 2018
Bokal Mon Bausas, Pumanaw Na
February 27, 2018

Batangas – Korea Partnership. Kabilang si Engr. Pablito Balantac, ang Provincial Agriculturist ng Batangas Province, sa Executive Committee, na binuo upang magsagawa ng screening sa mga Batangueño farmers na ipadadala sa Chuncheon City, South Korea para sa 2018 Seasonal Guest Trainee Program.

February 27, 2018

Batangas – Korea Partnership. Kabilang si Engr. Pablito Balantac, ang Provincial Agriculturist ng Batangas Province, sa Executive Committee, na binuo upang magsagawa ng screening sa mga Batangueño farmers na ipadadala sa Chuncheon City, South Korea para sa 2018 Seasonal Guest Trainee Program.

Upang mahasa sa pagsasaka at maturuan ng mga advanced farming technologies ang mga magsasakang Batangueño, isang programa ang magkabalikat na itinaguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Pamahalaang Panlungsod ng Chuncheon City, South Korea. Ito ay ang 2018 Seasonal Guest Trainee Program kung saan magpapadala ang ating lalawigan ng mga guest farmers upang magsanay at magtrabaho sa bansang Korea.

Katulong sa nasabing programa ang Executive Committee, na binuo upang magsagawa ng screening sa mga nasabing guest farmers, na kinabibilangan nina Gov. Dodo Mandanas, ang chairperson; Vice Chairperson Engr. Pablito Balantac ng Provincial Agriculture Office; Dr. Rommel Marasigan ng Provincial Veterinary Office; at Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer na naging committee secretary.

Nasa 100 na magsasaka ang nakahandang ipadala sa Chuncheon City, South Korea na nakatakdang simulan sa buwan ng Abril 2018. Magmumula ang mga ito sa 9 na bayan ng lalawigan, kabilang na ang Mataas na Kahoy, Malvar, Sto. Tomas, Taysan, Rosario, San Pascual, San Luis, Balete at Lipa City. Ilang FARMERS rin mula sa Provincial Agriculture Office ang makakasama sa grupo upang makibahagi rin sa nasabing pagsasanay tungkol sa pagsasaka.

Ang mga magsasakang Batangueño, na mananatili sa Chuncheon City ng 90 araw o tatlong buwan, ay magiging responsible sa wastong pangangalaga ng mga pananim, pag-ani at pagbabalot o pagpapake sa mga agricultural products.

Samantala, ang mga gagastusin para sa kinakailangang requirements kagaya ng passport, visa, airfare at medical ay sagot ng mga magsasaka. Ngunit, ayon sa komite, nakahanda naman ang kani-kanilang munisipyo sa maaaring maging tulong ng mga ito.

Bago lamang ang programang ito at inaasahan na magiging maayos at maganda ang kalalabasan ng programa. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.