Mga Batangueño Wagi sa Football sa China

CALABARZON Provincial Economic Accounts, Ipinakita ng NEDA sa Dissemination Forum sa Kapitolyo
November 8, 2018
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Kinilala Bilang Local Autonomy Champion
November 12, 2018

November 12, 2018

Sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga atletang Batangueño na nagwagi sa ginanap na United Football Club League na idinaos sa Qingdao, China noong ika-12 ng Nobyembre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Napanalunan ng mga Batangueñong manlalaro ang 1st runner up o silver medal sa nasabing patimpalak, na sinalihan ng 40 kalahok mula sa iba’t ibang bansa.

Apat na mga batang Batangueño ang naging kabilang sa nasabing koponan. Ang mga ito ay sina Ken Sanchez, Mark Christian Ricario, Graham Evans Rodriguez at Ken Mark Ferrer, na kasama ang coach na si Ronald Patulin, ay pawang mga tubong Nasugbu. Ginawaran sila ng sertipiko ng pagkilala bilang pagpapahalaga sa ipinamalas na husay sa larangan ng football. ✐ Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.