Mga Batangueño Student-writers, Pinarangalan Kaugnay ng 437th Batangas Province Foundation

2018 Batangas Province Local Legislative Awards, Ginanap
December 10, 2018
Mga Batangueño sa Larangan ng Kultura at Sining, Kinilala
December 11, 2018

December 11, 2018

Kaugnay sa layuning lalong maitaas, hindi lamang ang antas ng edukasyon sa lalawigan, kundi pati na rin malinang ang mga katangiang tatak Batangueño, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) Batangas Province, ang mga Batangueñong mag-aaral na nagpamalas ng husay sa larangan ng pagsusulat ng lathalain.

Ang nasabing patimpalak ay ginanap kaugnay sa idinaos na 437th Foundation Day ng Batangas Province noong ika-8 ng Disyembre 2018. Ang awarding ceremony ay idinaos sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas.

Ang mga kalahok ay nagpaligsahan sa larangan ng pagsusulat ng lathalain o essay writing sa wikang Filipino na nakasentro sa limang katangiang Batangueño na katapangan, kagitingan, katalinuhan, kasipagan at kagandahan.

Pagdating sa pagpapamalas ng Katapangan, nanguna ang Bauan Technical High School, na kinabibilangan ng mga mag-aaral na sina Ronn Michael Azucena, Coleen Claire Nacion, at Timothy Dale Mendoza, kasama ang kanilang coach na si Mr. John Jordan Agito.

Nakamit naman ng Maabud National High School mula sa bayan ng San Nicolas ang parangal sa Kagitingan, na binubuo nina Angelou Benamer, Kristina Cassandra Biscocho, Angelou Garcia at coach na si Ms. Cecile Desepeda.

Samantala, nasungkit nina Nathaniel Canobas, Kuhleen Ann Andal, Zhiena Rose De Chavez at coach na si Mr. John Ronnel Popa Gladiola Delim ng Balete Integrated High School mula sa Lungsod ng Tanauan ang parangal sa Katalinuhan.

Pagdating naman sa Kasipagan, nagwagi ang Batangas National High School, na binubuo nina Angela Mae Fajilam, Lian Garn Dolojan, Reina Layam at coach na si Ms. Lierene Villena.

Hindi naman nagpahuli ang Bolbok Integrated National High School ng Lungsod ng Lipa, na kinabilangan nina Mary Angelou Barquio, Nica Angeli Capalar, John Loid Sibayan at coach na si Mr. Ariel Abel, na nagkamit ng parangal sa diwa ng Kagandahan.

Lubos namang ikinatuwa ni Gov. Dodo Mandanas ang patuloy na pagpapayabong sa talento ng mga kabataan sa lalawigan sa larangan ng pagsusulat, kasama na rin ang ipinapamalas na pagpapahalaga sa mga katangiang tunay na Batangueño. ✎ Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.