February 22, 2019
Naging matagumpay ang kampanya ng mga manlalarong Batangueño sa katatapos lamang na 2019 CALABARZON Heroes Games, ang dating tinatawag na Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA) Meet, na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna noong ika-11 hanggang 15 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Sa kabuuan, nakapag-uwi ng 31 ginto, 42 pilak, at 74 tanso na mga medalya sa regional meet, upang magtapos na 3rd Runner-up overall.
Mula sa mga manlalarong nagtagisan ng lakas at galing magmumula ang mga kinatawan ng sa Region IV- A sa Palarong Pambansa, na gaganapin sa Davao City ngayong darating na ika-27 ng Abril hanggang ika-4 ng Mayo 2019.
Nanguna ang Batangas Province, na isa sa 21 divisions na kalahok sa palarong pang-rehiyon, sa iba’t ibang sports events. Nag-uwi ng gintong medalya ang mga atleta ng lalawigan sa Basketball boys (elementary level), Basketball girls (Secondary), Basketball girls 3×3 (Secondary), Volleyball girls (elementary level), High Jump, at Boxing.
Ang mga batang nagwagi at magiging kinatawan ng CALABARZON sa Palarong Pambansa ay nakatakdang humarap kay Gov. Dodo Mandanas upang gawaran ng Sertipiko ng Pagkilala at insentibo. – Pheng De Chavez, Mon Antonio A. Carag III, Batangas Capitol PIO