Marine biologist na nakatuklas na Verde Island Passage ang sentro ng marine shorefish biodiversity sa mundo, bumisita sa Kapitolyo

Techno Gabay Program Summit 2019, ginanap sa Lalawigan ng Batangas
November 25, 2019
Batangas Capitol, waging muli sa Digital Governance Awards 2019
November 27, 2019

November 25, 2019

Carpenter nanguna sa lectures sa BSU, PG-ENRO

Iniabot ni Gov. DoDo Mandanas ang mga souvenir na balisong at iba pang Batangueño products kay Dr. Kent Carpenter (3rd mula kaliwa), ang Amerikanong marine biologist, na ang mga ginawang pag-aaral at pagsasaliksik ang naging basehan upang madiskubre at mapatunayan na ang Pilipinas ang “center of the center of marine shorefish biodiversity” sa mundo, nang mag-courtesy call ito sa gobernador ng Batangas noong ika-20 ng Nobyembre 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas. Kasama sa larawan sina 1st District Board Member Glenda Bausas (mula kanan), Department of Education Batangas Province Superintendent, Dr. Merthel Camaligan Merana Evardome, at mga kawani ng PG-ENRO. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Nakadaupang-palad ni Batangas Governor DoDo Mandanas si Dr. Kent Carpenter, ang Amerikanong marine biologist, na ang mga ginawang pag-aaral at pagsasaliksik ang naging basehan upang madiskubre at mapatunayan na ang Pilipinas ang “center of the center of marine shorefish biodiversity” sa mundo, partikular ang Verde Island Passage.

Nag-courtesy call si Dr. Carpenter kay Gov. Mandanas noong ika-20 ng Nobyembre 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas, bago pangunahan ang isang lecture na isinagawa sa Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) Conference Room sa Batangas Capitol.

Naging paksa ng lecture ang “Environmental Damage on Coral Reefs in the South China Sea and International Arbitration under the United Nations Convention on the Laws of the Sea.” Dinaluhan ito ng mga stakeholders sa Verde Island Passage at West Philippine Sea, kabilang ang mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – PENRO Batangas, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 4A, PG-ENRO, Philippine National Police – Maritime, Office of the Provincial Agriculturist, ilang mga coastal local government units ng Batangas, at non-government organizations.

Nagbigay din ng lecture ang kasalukuyang propesor ng Biological Sciences sa Old Dominion University sa Norfolk, Virginia sa Estados Unidos sa Batangas State University – Main Campus sa Lungsod ng Batangas.

Nagsasagawa na si Dr. Carpenter ng marine research sa Pilipinas mula noong 1975, at patuloy na nakatutok sa marine conservation biology dito. Nagkaroon din ng mahalagang papel si Carpenter, bilang bahagi ng legal team na naging kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas, sa paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration in the Hague para sa karapatan ng Pilipinas sa mga pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea.

Vince Altar, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.