Mahigit ₱1.2 Milyon Tulong-pinansyal, Ipinamahagi ng PSWDO

Crown of Thorns Outbreak sa Batangas, Patuloy na Tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan
June 4, 2022
Pagsasanay sa Pagtatanim ng Saging, Isinagawa ng DA-4A, Batangas Provincial Agri Office
June 6, 2022

June 6, 2022

Umabot sa ₱1,214,000 na kabuuang halaga ng tulong-pinansyal ang naipagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), para sa tuloy-tuloy na pagsasagawa ng iba’t ibang mga programang may kinalaman sa kagalingang panlipunan.

Ang pamamahagi ng Assistance on Individual in Crisis Situation o mas kilala bilang AICS ay ginanap noong ika-30 ng Mayo 2022 at nagpatuloy noong ika-1 hanggang ika-2 ng Hunyo.

Sa tatlong araw na distibusyon, may 133 na benipasyaryo ang napagkalooban ng nasabing programa, na may katumbas na kabuuang halaga na ₱1.068 milyon.

Ayon sa PSWDO, bahagi ng AICS ang pagkakaloob ng tulong pangpa-ospital at pagpapagamot, kung saan kabilang ang mga indibidwal na nangangailangan ng pambili ng gamot at mga sumasailalim sa ilang uri ng treatment, diagnostic, at laboratory procedures tulad ng dialysis, chemotherapy, CT-Scan, at MRI.

Bukod dito, sakop rin ng programa ang tulong sa pagpapalibing o burial assistance para sa mga pumanaw na barangay functionaries at mga kaso ng COVID-19-related deaths.

Samantala, noong ika-31 ng Mayo, 23 distressed at repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) naman mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ang nabigyan ng financial assistance na may kabuuang halaga na ₱146,000. Ito, ayon pa rin sa tanggapan, ay magagamit ng mga OFWs upang makapagpatuloy sa kanilang pamumuhay at makapagsimula ng pagkakakitaan o hanapbuhay.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga benipisyaryo kay Governor DoDo Mandanas para sa patuloy na ginagawang pag-agapay ng Kapitolyo sa mga higit na nangangailangang batangueño.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO
with reports from Sally Corollo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.