Lodlod NHS, Kampeon sa 2017 Tanghalang Pangmamimili ng DTI Batangas

Batangas Province Tumanggap ng Ayuda para sa Sustainable Livelihood Program
October 3, 2017
Rabies Advocacy Contest Naging Tampok sa World Rabies Day Celebration sa Batangas
October 5, 2017

2017 Tanghalang Pangmamimili. Nagkampeon ang Lodlod National High School ng Lipa City (itaas na mga larawan) sa 16th Tanghalang Pangmamimili sa Batangas ng Department of Trade and Industry Batangas Province noong ika-4 ng Oktubre 2017 sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas. 2nd at 3rd placers naman ang Batangas Province High School for Culture and Arts at Batangas National High School. “Consumer Rights in the Digital Age” ang tema ng mga palabas na halo-halong dula at musical. Vince Altar / Photos: Bryan Mangilin - Batangas Capitol PIO

October 4, 2017

2017 Tanghalang Pangmamimili. Nagkampeon ang Lodlod National High School ng Lipa City (itaas na mga larawan) sa 16th Tanghalang Pangmamimili sa Batangas ng Department of Trade and Industry Batangas Province noong ika-4 ng Oktubre 2017 sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas. 2nd at 3rd placers naman ang Batangas Province High School for Culture and Arts at Batangas National High School. “Consumer Rights in the Digital Age” ang tema ng mga palabas na halo-halong dula at musical. Vince Altar / Photos: Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO

Nagpakitang gilas sa pag-arte at pagkamalikhain ang mga Batangueñong mag-aaral sa 16th Tanghalang Pangmamimili sa Batangas, na isa sa highlights ng Consumer Welfare Month celebration ng Department of Trade and Industry Batangas Province, noong ika-4 ng Oktubre 2017 sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas.

Tinanghal na kampeon ang Lodlod National High School Cultural Group ng Lipa City sa kanilang palabas na “Tinguian sa Digital Age” na tungkol sa isang tribung sumubok sa mga produktong nabibili online.  Pumangalawa naman ang Batangas Province High School for Culture and Arts na nagpamalas ng presentasyong pinamagatang “Magsumbong Ka,” na nagpakita sa karanasan ng isang pamilya patungkol sa online shopping at pagnenegosyo.

Naging 3rd placer naman ang Batangas National High School na ang palabas ay pinamagatang “Online Shopping.”

Ayon kay Ms. Marissa Argente, OIC – Provincial Director ng DTI Batangas Provincial Office, malaki ang pasasalamat nila sa suportang inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, sa kanilang long-running consumer awareness program. Idinagdap pa niyang magiging kinatawan ang Lodlod NHS ng Batangas Province sa Regional Contest ng Tanghalang Pangmamimili.

Nangibabaw ang galing sa entablado ng mga mag-aaral na sina Justine Ann Fajarito ng Lodlod NHS (Best Actress), Alejandro Joaquin Pimentel ng BPHSCA (Best Actor) at Royet Abella ng BNHS (Most Promising Performer).  Best Director si Mr. Banjo Cleofe ng BPHSCA, at nanalo sa kanyang pagsusulat ng Best Script si Mr. Arlan Mendoza ng Lodlod NHS.  Iniuwi din ng Lodlod NHS ang Best Cheer award.

Bawat grupo ay binigyan ng 20 minuto upang maipakita ang temang “Consumer Rights in the Digital Age” sa isang palabas na kinabibilangan ng dalawang minutong cheer at ang aktwal na pagtatanghal na halo-halong dula at musical.

Nagsilbing lupon ng judges sina Ms. Argente ng DTI; Mr. Woodrow Francia, Abs Cbn Southern Tagalog Station Manager; Ms Emma Masilungan, Pangulo ng Batangas Federation of Women’s Clubs; Mr. Juancho Cabcaban, Asst. Director ng Sining Kumintang ng Batangas; at Mr. Vincent Altar ng Batangas Provincial Information Office.   Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.