Lodlod NHS, Kampeon sa 17th DTI Tanghalang Pangmamimili sa Batangas

Provincial Avian Influenza Simulation Training Nakatakda sa ika-30 ng Oktubre
October 23, 2018
Gov. Mandanas Inter-LGU Sports Competition 2018, Inumpisahan na
October 24, 2018

Making Digital Marketplaces Fairer. Muling nagwagi bilang kampeon ang Lodlod Integrated National High School ng Lipa City sa idinaos na 17th Department of Trade and Industry Tanghalang Pangmamimili sa Batangas na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound Batangas City noong ika- 23 ng Oktubre 2018. Makikita sa larawan ang grupo mula sa Lyceum of the Philippines University Batangas (gitna, kaliwang bahagi) at Paharang National High School (gitna, kanang bahagi) – tie bilang 1st Place at Pinamukan National High School (ibabang bahagi) bilang 2nd place. ✐Mark Jonathan M. Macaraig at Marinela Jade M. Maneja – Batangas Capitol PIO/Photo: JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Ang buwan ng Oktubre kada taon, alinsunod sa Proclamation No. 1098 of 1997, ay idineklara ng pamahalaan bilang Consumer Welfare Month. Kaya dahil dito, sa ika-labing pitong taon, idinaos ang patimpalak na Tanghalang Pangmamimili na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika- 23 ng Oktubre 2018.

Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry – Batangas, na pinamumunuan ni Provincial Director Desiderio G. Jurado III, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Department of Education – Batangas at Jollibee Foods Corporation, ang taunang paligsahan ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpepresenta ng isang skit o stage play na binubuo ng iba’t-ibang mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan na idinesenyo upang maitaas ang kamalayan ng mga tao sa consumerism o makapagbahagi ng consumer education and information.

Sa gabay ng temang “Making Digital Marketplaces Fairer”, binigyan ng tig- 20 minuto ang 4 na grupong lumahok upang maipamalas ang kani-kanilang taglay na angking galing at talento sa pag-arte at pagtatanghal.

Mula sa mga partisipante, muling hinirang na kampeon ang Lodlod Integrated National High School ng Lipa City na nakuha ang premyong nagkakahalaga ng Php 10,000.00. Kapwa naman nakamit ng Lyceum of the Philippines University – Batangas at Paharang National High School ng Lungsod ng Batangas ang 1st runner-up at naghati sa naiuwing Php 7,000.00
Naging 2nd runner up naman ang Pinamucan National High School ng Pinamucan Proper, Batangas City na nakatanggap ng Php 5,000.00.

Bukod sa nakamit na kampeonato, nangibabaw din ang galing ng Lodlod National High School matapos masungkit ang Best Cheer Award. Kinilala naman ang mga indibidwal na husay nina Kristine Claire Gumarac ng Lodlod NHS bilang Best Female Performer; Roen Lyle Cueto ng LPU-Bat bilang Best Male Performer; Peregrine Santiago ng LPU-Batangas bilang Best Director; at Lodlod NHS para sa Best Script.

Samantala, ang kampeon na Lodlod Integrated National High School ang magsisilbing kinatawan ng lalawigan sa regional level ng kompetisyon. – Mark Jonathan M. Macaraig at Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.