Livelihood Trainings, Hatid ng Kapitolyo sa mga Batangueño

Batangueño, Isa sa Best Lawyers sa America
August 30, 2017
CALABARZON RDC Meeting at Rizal Provincial Capitol
August 31, 2017

August 30, 2017

Bukod sa patuloy na pagsisikap ng Mandanas administration  na makahikayat ng mga foreign investors na magtayo ng mga kumpanya dito sa Batangas at ang nalalapit na pagsasakatuparan ng food terminal na magbibigay hanap-buhay sa tinatayang libo-libong Batangueño, patuloy din ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga mga pagsasanay at pag-agapay sa mga mamamayang nagnanais na magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan.

Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sinimulan noong Agosto 29, 2017, ang Training on Computer Literacy para sa dalawampu’t anim (26) na out of school youth.  Sasailalim ang mga kabataan sa tatlong buwang pagsasanay na magbibigay sa kanila ng kaalaman at sertipikong maaring gamitin sa paghahanap ng trabaho.

Samantala, kasabay na sinimulan noong Agosto 29 ang training on hair cutting, hair rebonding and hair treatment na pinangunahan din ng PSWDO.  Tinungo ng mga kawani ng nasabing tanggapan ang bayan ng San Luis upang limang araw na magbigay ng training at pagsasanay sa tatlumpong (30) residente dito.

Nakatakdang matapos sa ika-2 ng Setyembre, tatanggap din ang mga taga San Luis ng Starter Kit mula sa Kapitolyo na kasama ng kaalamang natutunan sa training ay magbibigay ng pagkakakitaan tungo sa layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng pamilyang Batangueño.  Jun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.