Lipa Carmel pinuno ng pilgrims sa 13th National Day of Prayer

Governor Mandanas, ibinida ang Batangas sa Malaysia
September 13, 2016
Gov. Dodo promotes “Rich Batangas” in Investment Forum
September 15, 2016

Gov. Dodo, pinangunahan ang Marian devotees

Daang daang deboto ng Mahal na Birheng Maria ang sumadya sa Our Lady of Mt. Carmel Church sa Lungsod ng Lipa para dumalo sa concelebrated mass na ginanap, bilang panghuling aktibidad ng 13th  National Days of Pilgrimage and Prayers in Lipa noong Setyembre 12, 2016.

Hindi inalintana ang ulan ng mga mananampalataya na umapaw hanggang sa patyo ng makasaysayang simbahan sa Lipa para ipamalas ang pagmamahal sa Our Lady Mediatrix of All Grace.  Ang misa ay pinamunuan ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles at dinaluhan ng mga Marian devotees mula sa loob at labas ng Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Governor Hermilando I. Mandanas, 6th District Congresswoman Vilma Santos Recto, at 4th District Congresswoman Lianda Bolilia.

Namuno si Gov. Mandanas sa panalangin para sa consecration ng Batangas Province sa Mahal na Birheng Maria.  Nagpasalamat din ang Arsobispo ng Lipa sa mga dumalo sa taunang debosyon sa Mahal na Ina, kasabay ng pagbabalita na ang Lipa at ang buong lalawigan ay tunay na isa nang kilalang destination sa bansa para sa religious tourism and pilgrimages.

Ang anim na araw na pagdiriwang, mula Setyembre 7-12, 2016, na may temang “Mother and Queen of the World, Grieving for the Poor Creatures Laid Waste by Human Power,” ay ginanap sa iba’t ibang bayan sa lalawigan, kabilang ang Lungsod ng Lipa; Lungsod ng Batangas;  Balete, na naging host ng Marian Regatta para sa taong ito; Mabini;  Sto. Tomas; Ibaan;  Lobo; Taysan;  at Padre Garcia.  Vince Altar / PIO Capitol

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply