Likhang Sining ng mga Batangueño, Tampok sa Exhibit sa Megamall

Pres. Duterte appoints Gov. Dodo as CALABARZON Regional Development Council Chairperson
March 15, 2017
4P’s Parent Leaders Tumanggap Ng Ayuda
March 20, 2017

March 18, 2017


Isang art exhibit na tinawag na “Kulay ng Buhay” ang isinagawa mula ika-18 hanggang 31 ng Marso 2017 sa SM Megamall, Lungsod ng Mandaluyong kung saan tampok ang likhang sining ng mga Batangueño mula sa 13 munisipalidad at siyudad ng lalawigan.

Rich Batangas Art Exhibit. Tinaguriang “Kulay ng Buhay” ang first group painting exhibition ng Grupo Sining Batangueño sa SM Megamall, Lungsod ng Mandaluyong kung saan tampok ang likhang sining ng mga Batangueño mula sa 13 munisipalidad at siyudad ng lalawigan. Dumalo sa pagbubukas ng nasabing art exhibit sina Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas, Atty. Regina R. Mandanas, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) Department Head Atty. Sylvia Marasigan at Former Vice Governor Mark Leviste para maghatid ng adhikaing ipakilala ang Batangas bilang natatanging lalawigan. Bukas ang exhibit sa publiko mula ika-18 hanggang 31 ng Marso 2017 para matunghayan ang mga likhang sining na larawan ng kasaysayan, kultura at yamang taglay ng Batangas.
Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Kevin Espina

Naging daan ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) at Batangas Culture and Arts Council para maging posible ang koordinasyon sa Grupo Sining Batangueño na magdaos ng first group painting exhibition sa prestihiyosong Art Asia Gallery sa Building A, 4th floor ng nasabing mall.

Ang mga best of the best art works na naka-display ngayon sa exhibit ay gawa ng ilang visual artists na nais i-promote ang ganda ng Lalawigan ng Batangas. Layon din ng pagsasagawa ng exhibit na magbigay kaalaman ukol sa sining, kasaysayan at kultura at maipagmalaki ng marami ang taglay na yaman ng Batangas.

Honorable Subject. Ikinagalak ni Governor Hermilando “Dodo” Mandanas na maging subject siya sa pagguhit ng ilang Batangueño exhibitors sa ginanap na pagbubukas ng first group painting exhibition na “Kulay ng Buhay” sa SM Megamall, Lungsod ng Mandaluyong noong ika-18 ng Marso 2017. Sa ilang minuto na inilaan sa paglikha ng portrait ni Governor Mandanas ay humanga ito sa malaking pagkakahalintulad sa kanya ng mga guhit ng mga talentadong visual artists. Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Jenelyn Asilo Aguilera

Kabilang sa exhibitors sina Lino Acasio, Eman Acasio, Jorge Banawa, Zorrick Enriquez, Joseph Albao, Mischa, Nante Carandang, Randy Macalindong, Carlos Alferez Castro, Raleigh Astillero, Charles Rivera, Ryan De Roxas, Luciano Artista, Zhyra Ann Nedia, Tere Buiser, Janet Ballecer, Elmer Aguila, Ruby Bagsit, Donna Gay Villegas, Celeste Lecaroz at Edwin Magpantay. Pinaunlakan naman nina Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas, Atty. Regina R. Mandanas, PTCAO Department Head Atty. Sylvia Marasigan at Former Vice Governor Mark Leviste ang pagbubukas ng naturang art exhibit.

Gift for Montemaria. Isang simbolo ng pagpapasalamat ang inihandog ng exhibitors ng Kulay ng Buhay kay Governor Hermilando I. Mandanas. Batid ng mga lumahok na Batangueño visual artists ang hilig ng gobernador sa imahe ng Birheng Maria kung kaya laking tuwa nito nang matanggap ang regalong likhang sining. Nagpasalamat at nagpahatid ng suporta si Governor Mandanas para mapalawig pa ang pagkilala sa talent ng mga Batangueño at sa yaman na taglay ng Lalawigan ng Batangas. Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Jenelyn Asilo Aguilera

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Kevin Espina

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.